Friday, July 3, 2009

Pinagmulan ng Mundo – Teorya at Haka-haka

Isa sa pinakaunang paliwang kung paano nabuo ang sandaigdigan ay nanggaling sa Mesopotamia. Ayon sa mga Babylonian at Assyrian na nakatira sa Mesopotamia noong mga kalahatian ng taong 2000 B.K., ang diyos na si Enuma Elis hang gumawa ng langit at lupa mula sa malawak na dagat. Sapagkat ang mismong Mesopotamia (na ang ibig sabihin ay lupain sa pagitan ng dalawang ilog) ay nagigitna ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates, ipinalalagay na ganito ang nagging paliwanag ng mga Mesapotamian sa pinagmulan ng mundo batay sa personal nilang karanasan. Ang Mesapotamia ay nabuo rin mula sa tubig, sa naiwan at natipong banlik na dala ng daloy ng Tigris at Euphrates.

Bago sumipot ang magagaling nilang astronomo, ang mga Griyego naman ay naniniwalang magkadikit ang langit at lupa noong araw. Nang magkahiwalay ang mga ito ay saka lamang lumitaw ang liwanag, mga tao, mga bundok, mga hayop at iba pang naririto sa lupa.

Ayon sa paniniwala ng mga Hudyo at Kristiyano, ang ating planeta, at lahat ng laman nito, o mga nasa labas nito, ay nabuo dahil ginusto at binuo ng Diyos. Matatagpuan ang kasaysayang ito sa Torah ng mga Hudyo at Bibliya ng mga Kristiyano.

Sa mga taong naimpluwensyahan ng siyensa, ang paniniwalang espirituwal ay hindi sapat.

Isa sa mga teoryang batay sa siyensa ang teoryang nebular na inilabas ng Pranses na si Pierre Simon de Laplace noong 1796. Ang mga planeta ayon kay Laplace ay nabuo mula sa mainit na buhag (gas) na mabilis na umiikot sa kalawakan, ito ay lumamig at nagkaroon ng porma, ang maliliit na piraso nito ay nagdikit dikit hanggang sa lumaki at nagging mga planeta.

Meron ding teorya na tinatawag na Big Bang. Ayon ditto, ang buong daigdig ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito tinawag na Big Bang). Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyon na ang nakalipas at lumikha ng higanteng bola ng apoy at nang tumagal ay nagkadurog-durog, nagging araw, buwan, planeta, mga bituin at iba pa.

May dalawang aspekto ang teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula nang maganap ang malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa kaya’t patuloy na lumalawak ang nasasakupan ng buong daigdig. Ayon sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, buhag at iba pang sangkap ng buong daigdg ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip ay pwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari ito, ang simula daw at katapusan n gating daigdig ay parehong magsisimula sa isang malakas na pagsabog.

1 comment:

  1. thanks a lot sa info..
    nakatulong ng malaki sa akin to..

    ReplyDelete