MABABA ang langit nuong Unang Panahon, abot na abot ng tao. Isang araw, lumabas ng bahay ang isang matandang dalaga (vieja solterona, spinster) upang magbayo (moler, pound ) ng palay. Bago nagsimula, inalis niya ang kanyang suklay ( peine, comb) mula sa buhok ( pelo, hair), at mula sa leeg (cuello, neck), ang kanyang butil-butil na kuwintas (collar de abalorios, bead necklace) at pinagsasabit lahat sa langit na nuon ay hugis matutulis na batuhang dagat (sea coral bed).
Saka siya nagbayo ng palay. Tuwing angat niya sa pambayo (maja, pestle), tinamaan niya ang langit, na tumaas nang kaunti tuwi na. Pagtagal, napagod siya at lalo niyang pinag-sigasig ang bayo, at lalong lumakas ang hampas ng kanyang pambayo sa langit, na lalong umangat. Pagtama ng isang napaka-lakas na bundol, biglang tumaas nang tuluy-tuloy ang langit.
Walang tigil umakyat ang langit, tangay lahat ng alahas ( jewelry) ng matandang dalaga, hanggang hindi na abot ng tao maliban sa tanaw. Ang tangay na suklay ay naging buwan (luna, moon). Nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang butil-butil na kuwintas at naging mga tala (estrellas, stars) na kumikinang tuwing gabi.
No comments:
Post a Comment