Wednesday, September 30, 2009

Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis na balat, at si patolan na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isan gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, sya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw araw, walang ginawa si Amplaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak sya ng masama sa kapwa nyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyan isinuot. Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag, nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan at kanilang sinundan ang gulay na may gandang kakaiba at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa isa ang mga katangian na kanilang taglay, at laking gulat nila ng tumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, sinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito, nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha ni Ampalaya ay kanyang ibinalik dito at laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan, ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo. Ang balat nya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan,maging ang mga ibat ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang dinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim. Mula noon magpahanggang ngayon ang luntiang gulay na si Ampalaya ay hindi pa rin magustuhan dahil sa pait niyang lasa.

Alamat ng Antipolo

Noong panahon ng mga Kastila, karamihan sa mga magsasaka sa kapatagan ay umaakyat ng bundok dahil sa takot sa mga dayuhan. Sa kagubatan sila namamalagi upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap sa bayan.

Akala ng mga Kastila ay natayo ng grupo ng mga maghihimagsik ang mga magsasaka. Lalo silang nagalit kaya pinag-isipan kung paano makagaganti.

Marami ang mga Pilipinong pinagbintangan nila gayong inosente ang mga ito sa kanilang ibinibintang. Hinuli nila at ipinilit ang mga ito dahil umano sa pagsapi sa himagsikan.

Nabalitaan ng mga magsasakang naninirahan sa bundok ang tungkol sa paglusob ng mga gwardiya-sibil sa kanilang lugar. Nangatakot sila.

Araw at gabi ay panay ang dasal ng mga kababaihan upang maligtas sila sa nakaambang panganib.

Isang araw ay nagpasya ang mga Kastila na umakyat na sa bundok. Laking gulat nila nang makita ang lahat, babae man o lalaki, bata man o matanda, na nakaluhod at nagdarasal.immaculate

Palibhasa ay taimtim sa pagdarasal ang mga tao kaya dininig ang kanilang panawagan. Biglang nagningning ang malaking puno ng Tipolo at lumitaw ang imahe ng Mahal na Birheng Concepcion sa itaas nito.

Dahil relihiyoso rin ang malulupit na mga Kastila, nahintakutan sila sa nasaksihan. Nagsisi sila sa mismong oras na iyon.

Marami ang nakakita sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Nagpasalamat sila sa saklolong ibinigay nito. Ang masamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy. Sa halip ay iginalang nila ang pook na iyon.

Masaya nilang ipinamalita sa kapwa-Kastila ang nasaksihang milagro.

"Saang lugar iyon? Pupunta rin kami!" usisa ng mga relihiyosong Kastila.

"Sa itaas ng bundok. Sa puno ng Tipolo," sagot nila. "Ipagtanong na lang ninyo at tiyak na ituturo nila sa inyo."

Paulit-ulit na nagtanong sa mga tao ang mga Kastila. "Saan ang Tipolo?"

Buhat noon ay tinawag ng Antipolo ang lugar. Nakagawian na rin ng mga dayuhan, mayaman man o mahirap, na bisitahin ang pook na iyon lalo at panahon ng Mayo.

Alamat ng Ilang-Ilang

Sa isang malayong lugar, may mag-asawang matagal nang hindi magkaanak sa kabila ng kasaganaan nila sa buhay.

Abot ang dasal nila kay Bathala na sana’y pagkalooban nga sila ng anak.

Isang gabi, habang nananalangin ang babae, nagpakita ang isang anghel sa kanya at nagwika, "Huwag kang matakot. Isinugo ako ni Bathala upang maghatid ng magandang balita. Kayo ay bibigyan na ng anak na babae na napakaganda. Tawagin ninyo siyang Ilang, subalit iwasan ninyo na mahawakan siya ng lalaki. Kapag nangyari iyon, mawawala sa inyo ang inyong anak," pahabol ng anghel.

Nang nadalaga na si Ilang, maraming lalaki ang naakit sa kaniya.
Labis na nangamba ang mga magulang niya na baka mahawakn ng mga lalaki kaya’t kinulong nila sa isang silid ang anak.

Matinding kalungkutan ang nadama ni Ilang. Lagi siyang umiiyak araw at gabi. Gabi-gabi ay nananalangin siya.

Dininig ni Bathala ang panalangin ni Ilang. Isang araw, biglang nabuksan ang bintana sa silid ni Ilang at siya’y tuwang-tuwang nakalabas. Nagmasid sa magandang hardin at lumanghap ng sariwang hangin. Walang anu-ano’y, biglang may nakakita sa kaniya. Tinawag siya ng isang lalake at hinawakan ang kaniyang palad.

Huli na nang dumating ang kanyang ina. Si Ilang ay unti-unting naglaho. Walang nagawa ang ina kundi umiyak na lang at sinabing, "Ilang… Ilang… nasaan ka na anak?" Isang napakabangong halimuyak ng isang bulaklak ang naamoy ng ina. Nanggaling ito sa lugar ng kinalubugan ni Ilang. May isang halamang unti-unting umusbong sa lupa. Ang halamang ito ay pinangalanang Ilang, bilang pag-alaala sa kanilang anak na si Ilang.
Sa paglipas ng panahon, ang Ilang ay naging Ilang-Ilang.

Alamat ng Cainta

Ang Cainta ay isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Noong unang panahon, may isang babae na kilalang-kilala ditto dahil sa magaganda niyang katangian. Mayaman, maganda, mabait at matulungin. Ang pangalan niya’y Jacinta.

Ugali na niya ang tumulong sa kapwa. Nililimusan niya ang bawat pulubing lumalapit sa kaniya. Iniimbitahan pa nya ang mga ito upang kumain sa kanila. Mahilig din siyang makipaglaro sa mga mahihirap na bata. Ano mang laruan na magustuhan ng mga ito na hindi rin makasasama sa mga bata ay kanyang ipinagkakaloob sa mga ito. Hanggang sa kanyang pagdadalaga ay dala pa rin ni Jacinta ang magagandang katangiang ito.

Si Jacinta ay madasalin. At kung araw ng lingo siya ay nasa simbahan. Nagpapamigay din siya ng mga regalo sa mahihirap pagkatapos ng misa. Dahil sa kanyang kabaitan, biniyayaan siya ng Diyos ng magandang kapalaran sa pag-ibig. Naging kasintahan niya ang kanyang kababata na isa ring mabuting tao.

Mabait at maunawain din ang kanyang nobyo. Sa kasamaang palad ay nagkasakit ang lalaki at namatay.

Mula noon ay wala ng pag-ibig na nagpatibok sa puso ni Jacinta kaya siya ay naging isang matandang dalaga. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, ginugol na lamang niya ang kanyang panahon sa pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan.

Napamahal nang husto si Jacinta sa mga kanayon niya. Bilang pangalan ay tinawag siya ng mga ito sa pangalang Ka Inta na ang kahulugan ay “kaligtasan ng mga nangangailangan”.

Naging kaugalian na ng mga tao na dumalaw sa kanya tuwing Pasko.

Isang araw ng Pasko ay laking pagtataka ng mga tao na walang sumasagot sa kanilang pagkatok. Sumilip sila sa bintana at nagulat sila ng makita nilang nakahandusay sa sahig si Ka Inta at wala ng buhay. Nalungkot at nagluksa ang mga tao sa paglisan ng isang mabuting tao na si Ka Inta.

Ang kamatayan ni Ka Inta ay kumalat na parang apoy at ipinagdasal ng mga tao ang katahimikan ng kanyang kaluluwa. Bilang paggalang sa kadakilaan ni Jacinta, ang kanilang lugar ay tinawag nilang Kainta na ngayo’y tinawag na Cainta.

Alamat ng Binangonan

Ang bayan ng Binangonan ay nasa silangang dako ng Laguna de Bay. Ang dagat na ito ay nasa pagitan ng lalawigan ng Rizal at Laguna.

Noong unang panahon, ang mga nakatira sa bayan ng Binangonan ay magkakamag-anak, sila ay madasalin, nagdadamayan sa lahat ng oras, sa kahirapan man o kalungkutan.

Lahat ng ito ay nawalang saysay dahil sa isang malakas na bagyo na dumating sa bayan nila.

Marami ang mga nasaktan, napinsala ang mga kabuhayan dahil sa bagyo. Marami rin ang ipinadpad doon ng malalaking alon. Isa na rito ang isang lalaki na inakala nilang patay na dahil hindi ito humihinga.

“Sa ayos ng kanyang suot, hindi siya mangingisda, tulungan natin siya”. Wika ng alkalde ng bayan.

Pinulsuhan ng isang albolaryo ang lalaki. Minasahe niya ito at diniinan sa dibdib para mailabas nito ang nainom na tubig hanggang sa huminga ito at ng magkamalay nagpumilit bumangon ang lalaki.

Ang balita ay mabilis kumalat sa nayon at sa mga karatig na pook na may patay na bumangon.

Magmula noon, ang baybay-dagat ay tinawag nilang binangunan ng patay.

Ayaw magsalita ng lalaki kaya inakala ng mga tao doon siya ay pipi. Mabait at masipag ito kaya siya ay pinagkatiwalaan ng alkalde. Maging ang dalagang anak ng alkalde ay napalapit din sa kanya.

Bina ang pangalan ng dalagang anak ng alkalde. Si Bina ang nakatuklas na nakapagsasalita ang binata. Siya si Agustin at pinag-aaral siya ng isang pari sa Maynila. Napagbintangan siyang nagnakaw kaya siya ay lumayas at sa Pateros siya nanuluyan.

“Namangka ako para pawiin ang aking sama ng loob. Noon lang ako namangkang mag-isa. Inabutan ako ng malakas na hangin at inanod ako sa malayo ng lumaki ang mga alon. Lumubog ang aking sinasakyang Bangka, kumapit ako pero nawalan ako ng malay.” Malungkot na kwento ng binata.

“Kawawa ka naman.” Sambit ng dalaga. At doo’y naging magkaibigan ang dalawa.

Isang gabi, nagpasya ang dalawa na magtanan. Sa kabilugan ng buwan, dahan-dahan silang nanaog at pumunta sa tabing dagat, ngunit nakasalubong nila ang alkalde na nagpapahangin sa may dalampasigan.

Nahulaan ng alkalde na magtatanan ang dalawa kaya sag alit ng alkalde ay naging marahas ito kay Agustin hanggang sa mapatay ito.

Nabigla rin ang alkalde sa bilis ng pangyayari kaya’t tumakas ito at iniwan ang anak na umiiyak habang kalong ang binata. Sa sama ng loob ay nagdilim ang isip ni Bina, siya ay nagpakamatay sa tabi ng kanyang minamahal na lalaki.

Kinabukasan, natagpuan ng mga tagaroon ang dalawang bangkay sa mismong lugar na binangunan noon ni Agustin. Doon rin nila inilibing ang dalawa. At magmula noon, ang pook na iyon ay tinawag nilang Binangonan.

Alamat ng Olongapo

Noong araw ay may isang binatang mag-isang namumuhay sa malawak niyang bukirin. Marami ang tumutulong sa kanya gaya rin ng pagtulong niya sa kapwa. Kinagigiliwan siya at iginagalang ng mga kabataan. Katunayan ay tinatawag siyang Apo ng mga ito. Ang tunay niyang pangalan ay Dodong.

Hindi kalayuan sa lupain ni Dodong ay may nakatirang isang dalagang mayumi at maganda. Mahaba at mabango ang kanyang buhok. Marami ang nabibighani sa kagandahan ni Perla. Matagal na silang magkakilala ngunit walang puwang sa puso ng binata si Perla dahil na rin sa agwat ng kanilang edad.

Lumipat ng tirahan sina Perla at ang kanyang mga magulang. Hindi rin sila nagkikita ni Dodong.

Isang hapon, hindi sinasadyang nakasalubong sina Dodong at Perla. Noon lang napansin ng lalaki ang iwing ganda ng babae. Binati ni Dodong si Perla at inalok na ihatid ang dalaga. Pinaunlakan naman siya ni Perla.

"Tatang, narito po si Apo. Dadalaw po siya sa inyo ni Nanang," ang masayang bungad ni Perla pagsapit sa kanila.

"Aba, Dodong! Mabuti naman at napasyal ka rito sa amin," ang masayang bati ng ama ni Perla.

"Kumusta po kayo? Nahihiya po ako at hindi na ako nakatulong sa bayanihan dito sa inyo," magalang na tugon ni Dudong.

"Naku, eh, huwag mong alalahanin iyon. Alam kong solo kang namumuhay at iniuukol mo sa bukid ang iyong panahon. Pasabihan mo na lang kami kung kailangan mo naman ng tulong sa iyong bukid," ang amuki ng tatang ni Perla.

"Marami pong salamat. Hayaan po ninyo at tuwing Sabado ay dadalaw ako para makatulong din ako sa inyo," tugon ng binata.

Simula noon ay madalas nang nagkikita sina Dodong at Perla. Naging daan iyon upang magkalapit ang kanilang damdamin. Hindi naman ito pinigilan ng mga magulang ng dalaga dahil gusto nila si Dodong para sa anak.

Minsan, isang malaking bangka ang dumaong sa may baybay-dagat. Lulan nito ay mga lasing na Kastila. Nakita nila si Perla. Tinanong nila ang dalaga. Hindi naintindihan ni Perla ang salita ng lasing ng Kastila kaya ngumiti na lang siya. Akala ng Kastila ay pumayag si Perla sa gusto nito kaya niyapos at hinalikan ang dalaga. Sumigaw si Perla at humingi ng saklolo.

May mga tumawag kay Apo at ibinalita ang pambabastos kay Perla. Nagdilim ang paningin ni Dodong. Sinugod niya ang mga Kastila at walang patumanggang nilabanan ang mga ito. Sa kasamaang palad ay napatay si Dodong. Upang huwag pamarisan ay pinutulan nila ng ulo si Dodong. Isinabit nila ang ulo nito sa isang tulos ng kawayan.

"Ulo ng Apo! Ulo ng Apo!" ang sigawan ng mga bata.
Akala ng mga Kastila ay Ulo ng Apo ang pangalan ng pook na iyon. Sa kauulit ng salitang "Ulo ng Apo," naging Olongapo ito. Magmula noon ang pook na iyon ay tinawag nilang Olongapo, ang pinakapusod at pinakamakulay na bahagi ng Zambales.

Alamat ng Gapan

Noong unang panahon ay may isang batang napakatigas ng ulo. Hindi siya sumusunod sa utos at payo ng kanyang mga magulang. Sa halip ay ang mga ipinagbabawal ng ina ang kanyang ginagawa. Ang pangalang niya ay Gardo.

Isang araw, pinagsaing si Gardo ng ina. Pagkaluto ay agad siyang umalis at nakipaglaro. Nagpunta sa bakuran. Lumakad siya nang lumakad ngunit di makarating sa kanyang pupuntahan.

Gusto niyang umuwi na ngunit di niya matutuhan ang daan pauwi. Sa pagod, nakatulog siya sa lilim ng punong mangga.

Samantala, ang nanay niya ay di mapakali sa kahahanap kay Gardo. Tinulungan pa siyang kaniyang kapitbahay upang hanapin ang andk niyangsi Gardo.

Sabi ng isangkapit-bahay, "Paarang nakita ko ang anak ninyo sa kabilang ibayo. Paikot-ikot siya sa dalawang puno na para bang pinaglalaruan ng tiyanak."

"Kung hindi n’yo sa makita, kumuha kayo ng bilao, ipukpok ninyo sa puno ng hagdan at tawagin nang malakas ang kaniyang pangalan," ang payo naman ng isang magsasaka. Sinunod ng ina ni Gardo ang payo ngunit wala ring nangyari.

Samantala, si Gardo naman ay nagising sa malakas na iyak ng isang bata, hubad ito at malaki ang tiyan. Nakahiga ito sa dahon ng saging. Kinalong niya ito, ipinaghele ngunit iyak pa rin ng iyak. Nagalit na si Gardo at akma ng hahambalusinnang biglang magbago ang anyo ng sanggol. Nagmukha itong matanda, mahaba ang balbas at buhok, at mukhang di naliligo. Ibinagsak ni Gardo ang matanda. Takbo siya ng takbo ngunit sa kawayanan lang pala siya tumatakbo.

Madilim na noon at siya’y pagod na pagod na. Nadapa siay ngunit kahit hirap na ay pilit pa ring gumapang.

Ang ina naman nya ay umuwi na. Nagukat siya ng datnan niya si Gardo na gumagapang sa matinding pagod. Gapang siya ng gapang dahil pinaglalaruan siya ng tiyanak.

"Iyan ang napapala ng batang salbahe at matigas ang ulo," sabi ng marami.
Magmula noon ay naging bukambibig na ng tao ang "Baka matulad ka kay Gardo, gapang nang gapang." Buhat noon ang pook na kinapapaligiran ng kawayan na kinakitaan kay Gardo na gumagapang ay tinawag na Gapan, ang isang bayan sa katimugang bahagi ng Nueva Ecija, na ngayon ay isa ng lungsod.

Alamat ng Panay

Noong unang panahon,isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya.

Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkodsa kapwa.

Pinagsilbihanniyang mabuti ang matanda na labis na humanga sa kanya.

"Salamat. Napakabait mo." anang matanda. "Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya."

"Naku, huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito," magalang na tanggol ng binata.

"Totoo palang napakabait mo," usal ng matanda.

Nalaman din ng matandana bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibayang paghanga na matanda sa kanya.

Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda,tulad ng "Kung ano ang iyong itinanimay siya nomg aanihin," "Tulad sa halaman, ganyan din ang sa tao. Ang iyong kabaitan at kabutihanay gagantimpalaandin sa ibang araw. "Huwag tayong aasa na ang ating inilibing ay makikipaglibing din sa atin." "Huwag tayong dudura sa langit sapagkat laway din di sa iyo ay sasapit."

Mula noon ay naging malikhain ang binata. Dahil mabait at magiliwin sa mga nilalang ng Diyos, ang binata ay tinawag na Irog.

Napakinabangan ni Irog ang lahat ng tinuro ng natanda. Nagawa niyang panali ang mga baging. Nakagawa din siya ng isang bahay-kubo sa gitna ng ilog. Nagawa rin niyang higaan ang bunton ng mga water lily.

Isang gabi ay mahimbing ang tulog ni Irog. Hindi niya namalayang unti-unting umuusadang kubo na parang itinulak ng mga isda. Nakapaligid naman sa kanya ang nga ibon na nag-aawitan.

Mataas na ang araw nang magising siya kinabukasan. May mga gulay at mga prutas nang nakahain na dulot ng mga ibon. Malayo na ang kanyang narating. Napadpad siya sa isang napakagandang batis. Ang batis ay kaakit-akit na tila isang paraiso.

Isang umaga, may nakitang isang grupo ng mga dilag si Irog. May pakpak ang mga ito. Kasalukuyang naliligo sa batis ang mga dilag. Naakit siyang damputin ang isang pares ng mga pakpak na nakalapag sa batuhan.

Matapos maligo ang mga dilag ay malungkot na naiwan ang isa. Wala kasi itong maisuot na pakpak. Hindi ito makalilipad. Iyak nang iyak ang dilag dahil iniwan na ito ng mga kasamahan. Nagulat ito nang makita si Irog.

"Patawad po sa aking karahasan. Natuwa po ako sa mga pakpak ninyo kaya hiniram ko ng walang paalam," hinging paumanhin ng binata. "Ako nga pala si Irog. Ulila na ako at walang kasama sa buhay. Kung mamarapatin mong mahalin kita ay pagsisilbihan kita habang buhay."

Hindi na nag-isip ng matagal ang dilag. Pumayag agad ito sa kanyang pagsamo. Tinawag itong Giliw ni Irog.

"Sige, mamahalin kita sa isang kondisyon. Huwag kang mag-uuwi ng mga hayop na mabilis lumipad. Kapag ginawa mo iyon ay mawawala ako sa iyong buhay."

Tuwang-tuwa naman si Irog dahil mapagmahal din ang dilag sa mga hayop. Nagkasundo sila ni Giliw at tuluyan nang nagsama.

Biniyayaan sila ng dalawang anak makaraan ang ilang taon. Pinangalanan nila ang mga ito ng Tagumpay at Ligaya. Si Ligaya ay lumaking mabait at masunurin sa mga magulang. Si Tagumpay naman ay masipag at mabait din.

Minsan ay masaya silang nag-uusap nang magtanong si Ligaya. "Bakit kaya bihirang magsalita si Inay? Hindi naman siya pipi. Matalino naman siya at maraming alam."

Sumagot si Irog. "Huwag kang magtaka, anak. Lagi ninyong tatandaan na kapag ang dagat ay mababaw, ito ay maingay. Subalit kapag ang dagat ay malalim, ito ay tahimik.

Maraming iniaral si Irog sa mga anak. "Makinig kayo sa payo ng mga nakatatanda at lagi ninyo iyong tandaan. Ang maganda ay pulutin ninyo. Itapon naman ninyo ang masamang gawain lalo na kung makasasakit ng damdamin ng inyong kapwa."

Minsan ay nagpahinga si Tagumpay sa lilim ng isang puno. Nagulat siya ng may ibong dumapo sa balikat niya. Palibhasa ay magiliwin sa mga hayop kaya hinuli ni Tagumpay ang ibon at iniuwi sa kanilang bahay. Tuwang-tuwa naman si Ligaya dahil sa iba-ibang kulay ng ibon. Agad nila itong ipinakita sa ina.

"Nakaganda niya, hindi ba, inay?" ang natutuwang sabi ni Tagumpay.

Napaluha si Giliw. "Oo, iyan si Panay, ang aming panginoon." At mabilis na nagtungo sa silid ang babae. Dagli nitong isinuot ang mga pakpak at dagli ring lumipad palayo.

Malungkot na ibinalita ng magkapatid ang paglisan ng kanilang ina. Mula noon ay naging malungkutin na si Irog. Palagi siyang nagpupunta sa batis. Nagbabakasakali siyang bumalik si Giliw.

Ang batis na ito ang pinagmulan ng isang magandang kasaysayan ng pag-ibig. Dito nagmula ang pangalang Panay. Ngayon, ang Panay ay isang malaking pulo sa Kabisayaan.

Alamat ng Makahiya

Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska. Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria. Mahal na mahal nila ang kanilang anak.

Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat.

Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao. Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid.

Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria. Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.

Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente.

Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria. Nakita ni Mang Dondong na parating ang mga bandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito.
Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan. Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.

“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska. “Iligtas nyo po ang aking anak.”
Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag. Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.

Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay. Matapos kuning lahat ang salapi at alahas, hinanap nila si Maria. Pero di nila nakita ito. Umalis na ang mga bandido para nakawan ang ibang pang bayan.

Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido. Nagmadali silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria. Pero wala doon si Maria. Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang kawawang si Maria.

“Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko!” iyak ni Aling Iska
Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa. Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito. Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman. Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska. Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido.

Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak.
Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman. Naniniwala sila at alam nila na ang halaman ay ang anak nilang si Maria. Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din. Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya”, dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria – pagkamahiyain – at tinawag na nga itong “makahiya”.

Alamat ng Sampalok

Sa isang komunidad ay amy matapobreng donyang sobra sa sungit. Wala itong kinikilalang kapitbahay. Kailangang lagi mo siyang tinatawag na donya upang hindi ka niya ingusan at sigaw-sigawan.

Kapag may kalamidad tulad ng bagyo, sunog, o lindol na lubhang nakaapekto sa mga kapitbahay ay wala siya isa mang tinutulungan. Ang lahat ng kayamanan ay kanyang iniingatan. Gusto niyang lagi itong nadadagdagan upang mapanatili raw niya ang kasaganaan habambuhay.

Sa kawalan ng puso ng donya ay malayo ang damdamin ng mga kababayan niya. Kapag bumababa sa malapalasyong bahay at sumakay sa ipinagyayabang na karwahe ay parang wala siyang sinumang nakikita. Para sa kanya pinakamayaman siya at pawang maralitang dapat tapak-tapakan ang lahat na.

Sa panunuod ng mga sarsuela sa plaza ay kailangang ipagdala siya ng silya ng mga katulong na inaapi-api niya. Gusto niyang pag-usapan ng lahat ang bago niyang baro at saya.

Sa pagsisimba sa kapilya gusting-gusto rin niyang sa harapan siya nakikita. Laging may dalawa siyang katulong na nagsasalit magpaypay sa kaniya. Kapag bigayan na ng abuloy sa simbahan ay parang bulag siyang walang nakikita. Ayaw niya kasing mabawasan kahit katiting ang iniingatang kayamanan na hindi naman niya madadala sa libingan.

Kapag nagdadaan ang prusisyon sa lansangan ay makikitang buong rangyang nagliliwanag ang malalaking bintana ng donya. Ngingisi-ngisi siyang nanunungaw na para bang nagpapahayag sa lahat na tanging ang bahay niya ang pinakamalaki at pinakamaganda na dapat tingnan lamang at kaingitan.

Iyan ang donyang makasarili at mayabang. Walang panahon sa mga kapitbahay at tuwang-tuwang nakauungos sa lahat ng bagay.

Isang tanghali ay galit nag alit ang donya sapagkat nagambala ng nagkakaingay na mga bata ang prenteng-prenteng pagtulog niya. Sumagsag siyang pababa. Nakita niyang nag-aagawan ang mga bata sa mga buto ng halamang ipinamimigay ng isang matandang pulubi.

"Hoy pulubi! Bakit mo ipinamumudmod ang mga butong iyan sa oras ng pagtulog ko ha?" nanggagalaiting tanong ng ganid na donya.

"Pa...pasensya na po kayo. Hindi ko po alam na natutulog kayo," pagmamakaawa ng pulubi.

"Pasensya, naistorbo mo na ang pagtulog ng reyna ngayon ka pa magdidispensa? Hoy mga bata, huwag na huwag kayong mag-iingay sa harap ng bahay ko oras-oras, minu-minuto. Kung hindi ay matitikman ninyo ang galit ko!" asar na sigaw ng donyang walang pinahahalagahan.

Napaurong ang nanginginig na mga bata nang paghahablutin ng donya ang matitigas na butong tangan-tangan nila.

"Dahil sa mga batang ito nagising tuloy ako. Sige mabahong pulubi, lumayas ka na!. Kay rin mga pesteng bata kayo, umalis kayo sa harap ko!. Alis ngayon din, pronto!"

Nang mapag-isa ang mapang-aping donya ay galit na galit na itinapon nito ang mga buto sa bakuran.

Isang lingo lang ang lumipas ay nagulat ang donya nang matanaw niya sa bakuran ang naglalakihang mga halaman. Natitiyak niyang ang mga iyon ang mga butong ipinamahagi ng pulubi sa mga bata.

Hindi nagtagal ang mga halaman ay naging matataas na puno. Takang-taka ang donya nang mamunga ang mga ibinato niyang mga buto. Pagkatatamis at matuwid na matuwid ang mga bunga ng mga punong may malalabay na mga sanga.

Isang hapong masayang pinagmasdan ng donya ang mga punong hitik sa bunga ay nasulyapan niya ang nakagalitang mga bata na titinga-tingala.

"Pwede po bang makahingi?" gutom na nakikiusap ang mga bata.

"Ano, pahingi? Ako ang nagtanim at nagdilig bakit kailangang manghingi kayo? Mga walang modo! Parang wala kayong mga magulang na nagtuturo sa inyo. Umalis kayo ngayon dito. Bilisan ninyo!"

Upang mapabilis ang pagpapaalis ay kumuha ng timba ng tubig ang donya. Humahalakhak na pinagbabasa nito ang mga paslit na bata na ginaw na ginaw at lubhang kaawa-awa.

Sa di kalayuan ay biglang sumulpot mula sa kawalan ang uugud-ugod na pulubi. Alam niyang nagmamalabis na naman ang donya kaya napilitang lumapit siya. Nagmakaawa siyang bigyan man lang siya ng kahit ilang bunga ng mga punong nagsitubo sa malawak na bakuran.

"Hoy pulubi heto ka na naman. Dati ay inistorbo mo ako sa pagtulog. Ngayon nama'y humihingi ka ng ipagtatawid gutom. Ayokong makita ang pagmumukha mo. Lumayas ka, layas!"

Hindi tuminag sa pagkakatayo ang matanda.

"Sobra ka na! Ang nagugutom ay dapat mong pakainin. Ang nauuhaw ay dapat mong painumin!"

"Kahit kumpul-kumpol ang matatamis na bunga ng mga punong ito ay ipagdadamot ko sa iyo. Wala akong pakialam kung magutom ka man. Ang mahalaga ay kinaiinggitan ng lahat ang mga punong tumubo sa aking bakuran."

"Ka...kahit na isa man lang. Kaawaan mo na ang isang matandang katulad ko na hilahod na sa gutom."

"Kahit na kaputol ay di kita bibigyan. Manigas ka riyan sa gutom."

Akmang papanhik na ang donya nang biglang habulin ng pulubi ang nahuhulog na kumpol na mga bunga.

Sa sobrang galit ng donya ay sinundan kaagad nito ang yuyuko sanang pulubi. Hinablot ng matapobre ang braso ng matanda at isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaliwang pisngi ng pobre. Ang lakas ng sampal ay ikinatumba at ikinasadlak ng pulubi sa maalikabok na bakuran ng gahaman.

Nanginginig na tumindig ang pulubi at sa isang marangal na tinig ay nangusap, "Kaawa-awa ka Petronila." Takang-taka ang donya pagkat alam ng pulubi ang tunay na pangalan niya. "Pulubi nga ako pero busilak naman ang puso ko. Ang ibinibigay ko lamang ay anumang aking nakakayanan. Ang mga buto ng halamang namumunga sa iyong bakuran ay mga butong nakaya kong ihandog sa mga pobreng batang tumulong sa akin upang makatawid ako sa tulay na baging na natatanaw mo mula rito. Mga buto lang iyan na pinagkaguluhan at pinagkatuwaan lang nilang paghati-hatian. Mga butong inagaw mo sa kanila na ngayong namunga ay ipinagkait mong hatian sila. Isinusumpa kong magiging maasim ang bunga ng punong iyan. Matuto ka sanang magpakababa sapagkat mamamatay din tayo at ang lupang tinutuntungan natin ay siya ring lupang sa atin ay maglilibing."

Pagkasabi nito ay tumalikod na ang matanda. Kinabahan ang donya lalo na nang ang mga bunga ng mga punong nasa harap ay nagsiurong at nagmistulang ga daliring nanduduro.

"Lo...lola patawarin ninyo ako," lumuluhang sabi ng mapagmataas na donya. Pero kahit na anong alok na ihain ay hindi na lumingon pa ang pulubing tila magliliwanag ang katauhan sa mataos na kabaitan.

"Sinampal mo ako tapos inalok?" gumagaralgal pa rin ang tinig ng pulubi na sa isang iglap ay nagging liwanag na nakasisilaw. Nang mawala sa harap niya ang matanda ay napaluhod ang donya sa malaking misteryong naganap sa kanya.

Sapagkat sumampal tapos ay nag-alok, ang prutas na umasim mula noon ay tinawag nang Sampal-Ok na sa paglipas ng mga taon ay naging Sampalok. Diyan nagsimula ang alamat ng Sampalok.

Alamat ng Saging

May isang prinsesang napakaganda; kaya ang tawag sa kanya ay Mariang Maganda. Ang kanyang tahanan ay malapit sa isang maliit na gubat; doo'y maraming magaganda't mababangong halamang namumulaklak. Araw-araw, ay nagpapasyal ang prinsesa sa gubat na ito. Namimitas siya ng mga bulaklak na katangi-tangi ang ayos. Isang araw, sa kanyang pamamasyal, ay nakatagpo siya ng isang prinsipe. Magandang lalaki ang prinsipeng iyon. Nang makita ni Mariang Maganda ay nakaramdam siya agad ng kakatuwang damdamin. Ang prinsipe naman pala'y gayon din. Kaya agad silang nagkapalagayan at nagkahulihan ng loob.

Araw-araw ay namamasyal sila ng prinsipe, hanggang sa magtapat ng pag-ibig ang prinsipe. Palibhasa'y sadyang may inilalaan nang pagtingin ang prinsesa, hindi na ito nagpaumat-umat at tinanggap ang iniluluhog na pag-ibig ng prinsipe.

Isang hapon matapos silang mamasyal, nag-ulayaw ang dalawa sa lilim ng mabangong halamanan ng prinsesa.

"Mariang Maganda, kay ganda ng mga bulaklak mo, nguni't ang mga bulaklak doon sa aming kaharian ay higit na magaganda at mababango; walang makakatulad dito sa inyo."

"Bakit, saan ba ang inyong kaharian?"

"Doon sa dako roon na hindi maaaring marating ng mga taong may katawang-lupa."

Ilan pang saglit at nagpaalam na ang prinsipe na malungkot na malungkot. Kaya napilitang magtanong si Mariang Maganda. "Mangyari'y..." at hindi na nakuhang magpaliwanag ang prinsipe.

"Mangyari'y ano? Ano ang dahilan?" ang tanong ng prinsesang punung-puno ng agam-agam.

"Dapat an akong umuwi sa amin, kung hindi, hindi na ako makababalik. Ibig ko sanang isama kita, nguni't hindi maaari, hindi makapapasok doon ang tulad ninyo. Kaya paalam na irog."

"Bumalik ka mamayang gabi, hihintayin kita sa halamanang ito. Babalik ka ha?"

"Sisikapin ko Mariang Maganda," ang pangako ng prinsipe. Nang malapit ng maghatinggabi, dumating ang prinsipe. Sinalubong siya ng prinsesang naghihintay sa loob ng hardin. Nag-usap na naman sila ng nag-usap. Kung saan-saan nadako ang kanilang pag-uusap. Hawak-hawak ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe.

Kaginsa-ginsa'y biglang napatindig ang prinsipe. "Kailangang umalis na ako, Mariang Maganda. Maghahatinggabi na, kapag hindi ako lumisan ay hindi na ako makababalik sa amin. Diyan ka na subali't tandaan mong ikaw rin ang aking iniibig," at ginawaran ng halik ang mga talulot na labi ni Mariang Maganda.

Pinigilan ng prinsesa ang mga kamay ng prinsipe. Hindi niya mabatang lisanin siya ng kanyang minamahal. Sa kanilang paghahatakan, biglang nawala ang prinsipe at naiwan sa mga palad ng dalaga ang dalawa niyang kamay. Natakot ang prinsesa, kaya patakbong nagtungo sa isang dako ng kanyang halamanan at ibinaon ang mga kamay.

Ilang araw, pagkatapos ay may kakaibang halamang tumubo sa pinagbaunan niya. Malalapad ang mga dahon at walang sanga. Ilan pang araw pagkaraa'y nagbulaklak. Araw-araw, ay dinadalaw ng prinsesa ang kanyang halaman. Makaraan ang ilang araw, ang mga bulaklak ay napalitan ng mga bunga. Parang mga daliring nagkakaagapay. Iyon ang mga unang saging sa daigdig.

Alamat ng Pinya

Noong unang panahon, may isang mag-asawang nagngangalang Emilio at Marcela. Sila ay may anak na dalagang ang pangalan ay Rufina. Si Rufina ay lubhang pinalaki sa layaw ng kanyang ama kaya't siya na lamang nagiging dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa.

Si Rufina ay walang nais gawin kundi humarap sa salamin at mag-ayos ng mukha o kaya'y magtungo sa halamanan at magmasid ng mga bulaklak. Wala siyang hilig sa pag-aayos ng bahay, at kung siya naman ay inuutusan ng kanyang ina ito ay walang matanggap na kasiyahan sa kanyang pag-utos.

Isang araw, si Aling Sela at si Mang Milyo'y nagkasagutang mabuti tungkol kay Rufina.

"Talagang hindi ko na malaman kung paano ang gagawin ko upang maturuan ng wastong pamamahay iyang si Rufina," ang nagagalit na wika ni Aling Sela.

"Bakit mo pinapaghihirapan ang loob mo?" ang tanong naman ni Mang Milyo. "Hindi ba't tayo'y may mga alila? Bakit hindi sila ang utusan mo kung mayroon kang ibig ipagawa? Bakit si Rufina ang pinipilit mong gumawa ng mga bagay na dapat gawin ng mga alila?"

Si Aling Sela ay lalong nagalit.

"Paano ko nga ba matuturuan iyang anak mo ng pagkababae ay sa ikaw ang una-unang nagpapalala? Matuturuan ba iyan ng kahit na ano sa pinababayaan mong magkasungay," ang galit nag alit na wika ni Aling Sela.

"Huwag kang magalit," ang amo ni Mang Milyo. "Ang sinasabi ko lamang ay hindi mo dapat ipagawa kay Rufina ang mga bagay na dapat gawin ng mga alila sapagkat tayo'y bumabayad ng mga alila upang may gumawa ng mga bagay na iyan. Bakit pa tayo bumabayad ng mga alila?"

"Ang ibig mong sabihin ay wala nang dapat matutuhan ang batang iyan sapagkat tayo'y may mga alila?" ang tanong ni Aling Sela.

"Iyan nga ang ibig kong sabihin kanina pa," ang sang-ayon ni Mang Milyo.

"At kung tayo'y wala nang kaya sa pagbabayad ng mga alila?" ang patuloy na usisa ni Aling Sela.

"A, hindi maaari iyon sapagkat tayo naman ay mayaman," paliwanag ni Mang Milyo.

Ang sagot ni Mang Milyo ay lalong nagpagalit kay Aling Sela.

"Hindi ako nagtatakang ang anak mo ay magkasungay!" ang nanginginig na sigaw ni Aling Sela. "Ngayon lamang ako nakakita ng magulang na kamukha mo. Lumayas ka riyan!"

Upang hindi na lumala pa ang usapan, si Mang Milyo ay nanaog ng bahay. Minarapat niya ang mamasyal-masyal muna at kung malamig na ang ulo ni Aling Sela ay saka na siya babalik.

Si Aling Sela naman ay nakaisip manulsi at nang makalimutan niya ang mga pinagsasabi sa kanya ni Mang Milyo.

"Rufina!" ang tawag ni Aling Sela. "Kunin mo nga ang kahon ko ng karayom at sinulid at ako'y manunulsi."

Si Aling Sela ay matagal na naghintay ngunit si Rufina ay hindi pumasok sa kanyang silid.

"Rufina!" ang ulit na tawag ni Aling Sela. "Bingi ka ba? Hindi mo ba ako naririnig? Kunin mo ang kahon ng karayom at sinulid at ako'y manunulsi."

Si Rufina na noon pala ay nakaharap sa salamin ay nag-aayos ng mukha ay noon pa lamang sumagot.

"Sandali na lamang po. Matatapos na ako."

Si Aling Sela ay nagpigil ng galit. Hindi niya ibig na lumala pa ang kanyang kagalitan.

"Ano ba? Hindi ka pa ba tapos?" ang usisa ni Aling Sela pagkaraan ng ilang sandali. "Magdala ka ng kahon ng karayom at sinulid."

Naghintay pang muli si Aling Sela bago dumating si Rufina sa kanyang silid. At nang dumating ito ay walang dalang kahon.

"Wala po akong makitang kahon ng karayom at sinulid," ang pahayag ni Rufina.

"Wala kang makita e naroon lamang ang kahon sa mesa mo?" ang pagtatakang wika ni Aling Sela.

"Sinabi ko nap o sa inyong wala akong makita, e," ang pagalit na tugon ni Rufina.

"Bakit, wala ka bang mata? Wala ka na bang nakikita kundi ang isinusurot sa mata mo?" ang pagalit na ring usisa ni Aling Sela.

Si Rufina na noon ay lumabas na ng silid at patungong halamanan ay sumagot nang pasigaw:

"Opo, wala po akong nakikita kundi ang isinusurot sa mga mata ko."

Ang galit ni Aling Sela ay hindi na napigilan. Nakita niyang si Rufina ay nasa halamanan na at nagmamasid na naman sa mga bulaklak.

"Diyos ko! Bakit hindi Mo pa po gawing reyna ng mga halaman ang anak ko at nang hindi na niya ako nilalapastangan? Bakit hindi Mo pa po siya gawing isang halamang may sandaang mata!"

Noon din ay nawala sa kinatatayuan si Rufina. Si Aling Sela na dali-daling nanaog upang magsiyasat sa nangyari ay walang nakitang bakas ng kanyang anak saan man siya bumaling. Ngunit sa kinatayuan ni Rufina ay nakita niya ang isang bagong halaman. Ang halamang iyon ay may mahahabang dahong maraming tinik at sa gitna ng mga dahon ay may bungang malaking tila may korona sa ibabaw. Anong himala! Ang bungang iyon ay ligid ng kayraming mga mata!

Alamat ng Pakwan

Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa, Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito, pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto. Sapagkat matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si Padre Novelles na manghikayat.

Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni HesuKristo. Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan sa krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao sa daigdig.

Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang sumunod sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring sumasamba sa mga anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw ng Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit ipinadakip mismo ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong nangangaral.

Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si HesuKristo. Ito rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.

Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang maalikabok at baku-bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kangyang dinaanan. Sa bundok ng mga anito na ngayon ay kilala bilang bundok ng Caraballo itinindig ang krus. Habang nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay. Katulad ni Kristo, isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko. Ang sariwang dugo sa dibdib nito ay mayamang umagos sa lupang pinagtindigan ng krus.

Matapos ipapatay ay hindi mapalagay si Datu Diliwariw. Naalala niya ang itinuturo ng misyunero na si Hesus daw ay muling nabuhay pagkalipas ng tatlong araw.

Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang ikatlong gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa kanyang kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga aral na itinuro ng misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa kanilang pagyuko at pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng kabanalan. Ang nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng paring misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila mapulang dugo ng kabanalan, matamis at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang nagging Katolikong datu ay lagi nagng dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang panata niyang iyon ay kalakip ng pagtanggap ng kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.

Sapagkat tumubo ang kakaibang halaman ay tinawag ang bunga nito na pinagpakuan na nauwi sa pakuan na ngayon ay naging pakwan. Iyan ang pinanggalingan ng alamat ng pakwan.

Alamat ng Niyog

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak.

Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito.

Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: "Sino na ang magapakain sa amin?" tanong ng pinakamatandang anak.

"Sino na ang mag-aalaga sa amin?" tanong ng ikalawang anak.

"Sino na ang maglalaba n gating damit?" tanong ng ikatlong anak.

Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya'y maganda at maputi.

"Huwag na kayong umiyak," sabi niya. "Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw.

Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.

Sumunod sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libing araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo.

Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.

"Marahil aakyatin ko na lamang itong puno," sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyak at pumitas ng bunga.

"Mga ulo ninyo," ang sigaw niyang babala sa itaas. "Ibabagsak ko ito at buksan ninyo."

Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.

"Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig," sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay: "Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito," ang wika ng ikaapat na anak.

Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyak sa itaas ng puno.

Nagkainan at nag-inuman at ngayon nakita nila na di nga sila magugutom pang muli. Ang mga bungang iyon ay kauna-unahang niyog ditto sa daigdig.

Alamat ng Makopa

Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit ng iasng mataas na bundok at halos naliligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan ditto ay tahimik at maligaya sa kanilang pamumuhay. Ang malawak na bukirin at mayabong na punong-kahoy ay nagbibigay ng masaganang ani na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon.

Ngunit sa lahat ang pinagmamalaki ng mamamayan ay ang kanilang gintong kampana na nakasabit sa simboryo ng simbahan. Ang pinagmulan nito ay matagal ng nalimutan. Ayon sa mga kanunu-nunuan nila ang kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang ginagalang. Dito ay may napapaloob na hiwaga at ang paniwala'y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa nila sa buhay. Ang batingaw na iyon ay napakaganda ang hubog, malakas, at buo ang tunog. Kung tumutunog ay kinaririrnggan ng napakagandang tinig ng bawat taong makarinigay sapilitang lumuluhod at taimtim na nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa mga biyaya nilang tinatanggap.Talagang napakalaki ng pagsamba at paggalang ng mga tao sa kanilang batingaw.

Maraming sa tao sa malalayong bayan ang nakaalam sa kahalagahan ng kampanang ito. Hindi lamang kakaunti ang nagkaroon ng masamang nasa na makamtan ang nasabing batingaw. Higit sa lahat na may nais ay ang mga tulisang naninirahan sa gubat. Balak nilang tunawin ito kapagka nakuha nila.

Isang araw, ang buong bayan ay nagimbal sa sigaw na: "Tulisan, tulisan ang mga tulisan ay dumarating!" Di nag-aksaya ng panahon ang pari at ang dalawang sakristan, biglang ibinababa ang kampana't itinago. Nang dumating ang mga tulisan wala na ang batingaw. Ang pari at mga sakristan ay pingsasaktan ng mga tulisan at pilit na pinalabas sa kanila ang batingaw. Datapwa't hindi nagtapat ang mga ito hanggang sa pagkamuhi ng mga tulisan ay pinagpuputlan sila ng liig. Nagbalik ang mga tulisan sa gubat na hindi nakamtan ang pakay nila.

Ang bayan ay nagulo. Lahat ng tao'y nalungkot pagka't ang pinakamamahal nilang batingaw ay di nila makita sapagka't ang nakaalam lamang ng pinagtaguan nito ay ang tatlong pinatay ng tulisan. Lahat ng mamamayan - bata, matanda, mayaman, mahirap ay para-parang nangagsipaghanap. Nguni't hindi rin nila matagpuan. Lumipas ang maraming araw at ang batinagw ay patuloy ng naglaho. Sa hinaba-haba ng panahon ang mga tao ay nakalimot na sa kanilang banal na gawain. Wala ng pumupunta sa simbahan upang magdasal. Ang mga bukid ay naiwan ding tiwangwang. Lagi na lamang may gulo sa bayan. Anupa't ang bayan ay nababalot ng kalungkutan.

Isang umaga, may maraming taon na nakalilipas ang mga taong nagdaraan sa may simbahan ay nakakita ng isang punung-kahoy sa tabi ng kumbento na hitik na hitik sa bungang-kaiba sa mga bungang kahoy. Ang mga bunga ay kakaiba ang hugis, at hugis kampana. Nagkagulo ang mga tao sa paligid ng puno at sila ay nagtaka kung saan nanggaling ang punong yaon na bukod sa hugis kampana ay mamula-mula pa na anaki'y ginto. Isang matandang lalaki ang pumagitna sa mga taong nangaroroon at nagsalita ng, "Habang ako'y natutulog, tila nakarinig ako ng isang tinig na nag-uutos na hukayin ko ang ilalim ng isang puno sa tabi ng kumbento. Ngunit ito'y di ko pansin sa pag-aakala ko na isang panaginip lamang."

Madaling ginawa ng mga tao ang sinabi ng matanda. Laki ng katuwaan nila nang matagpuan ang batingaw sa ilalim ng ugat ng nasabing puno. Ang lahat ng mga tao ay nagtungo sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang sandali ang magagandang tunog ng kampana ay narinig na. Ito ay nagbigay ng kasiyahan at katahimikan sa puso ng mga tao habang sila ay tamtim na nananalangin.

Ang mahiwagang puno naman ay patuloy ng pagbubunga at nang lumaon ay napag-alamang iyon ay kinakain. Ang mga bata'y nangatutuwa sa hugis ng bunga nito, kawangki ng kopa. Pagkalipas ng ilang araw ang bunga ay tinaguriang "Makopa".

Alamat ng Lansones

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.

Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae.

Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wari'y lalong nagpalinamnam sa lansones.

Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.

"Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan."

Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.

"Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?"

"Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito."

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto."

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto.

"Ga...Ganito pala sa labas. Ma...Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A...Ayoko na sa labas."

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

Alamat ng Kamatsile

Sa isang gubat na madawag, may tumubong puno ng kamatsile na may malaganap na mga sanga. Sa tabi nito'y may nagsitubong iba't ibang mga punong may magagada't mababangong bulaklak na nakakahalina sa mga naglalakbay. Ang kamatsile lamang ang tanging walang bulaklak na maipagmalaki, nguni't maganda naman ang pagkakahubog ng kanyang malalago at malalabay na mga sanga. Subali't di man ito makatawag-pansin sa mga manlalakbay at di man siya tapunan ng bahagyang tanaw at ito ang ipinagmimighating malabis ng abang puno ng kamatsile.

Isang araw, malakas na naibulalas ng kamatsile ang kanyang hinanakit. "Naku! Anong pagkalungkot-lungkot na buhay itong akin. Kung ako ba'y nagtataglay ng bulaklak na katulad ng mga katabi kong puno, sana'y makagagayuma rin ako sa mga taong dito'y nagsisipagdaan."

Ang ganyan niyang himutok ay umabot sa pagdinig ng cadena de amor na gumagapang sa kanyang paanan. Kaya't ang daing ng kamatsile ay kanyang sinagot. "Madaling lutasin iyan, kung nais mong magkaroon ng bulaklak na kaakit-akit ay tulutanmong ako'y mangunyapit sa iyong mga sanga."

Ang kamatsile ay sumang-ayon sa magandang mungkahi ng cadena de amor. Di naglipat araw at ang dating nag-iisang puno ng kamatsile ay nag-uumugong sa mga bubuyog na sa kanya'y laging nag-kukumpol-kumpol. Ang mga tao naman ay di siya iniiwan ng tingin.

Nguni't pagkalipas ng ilang linggo ay di na makatagal sa sukal na sa kanyang sanga ay nakabalot. Kaya't sa cadena de amor, siya'y di makatiis na di magpahayag ng kanyang dinaramdam. "Oo ngat ako'y hinahangaan ng maraming tao, di ko naman malanghap ngayon ang mabangong simoy ng hangin, di ko man lamang masilayan ang mga baging na iyong ibinalabal sa akin.

"Subali't ano mang pagsusumamo ng abang puno ng kamatsile ay nawalan ng saysay sa lubos na nasisiyahang cadena de amor. Nguni't sa malaking habag ng Maykapal ay pinagkalooban din siya ng pananggalang sa cadena de amor. Ang tinik na magpahanggang sa ngayon ay nagmamalasakit sa kanya.

Alamat ng Durian

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway.

Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Durian, na ang gusting sabihi'y munting tinik.

Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.

Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.

Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad.

Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang sumisibol.

Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga hanggang sa ito'y namulaklak at namunga.

Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito'y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.

Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.

Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya itong pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang arinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay nagkaroon ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang karunungan.

Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di'y itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.

Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama'y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.

Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.

Alamat ng Bayabas

Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.

Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at lagging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan ng katarungan.

Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.

Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit laging nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya.

Nangunguna rin sa kasakiman si Sultan Barabas. Ang malawak na hardin niya na pinamumugaran ng iba't ibang prutas ay hindi niya pinapapasukan kaninuman. Gugustuhin pa niyang mangabulok ang mga makopa, mangga, at chesa na bunga ng mga puno kaysa sa sinumang maralitang kumamkalam na ang tiyan.

Ang kawalan ng katarungan ni Sultan Barabas ay minsan na namang napatunayan. Ayaw na ayaw ng Sultan na gabi na ay nasa lansangan pa ang sinuman sa kanyang mga nasasakupan. Isang maningisda noon ang minalas ng abutan siya ng hatinggabi sa panghuhuli ng isda. Sapagkat walang awa sa kapwa, pinadakip ni Sultan Barabas ang maningisda, at pagkatapos ay patawarik na niloblob ito sa tubig, at ipinakulong pa ni Barabas ang pobre.

Nakarating sa aswas ng mangingisda na isang magdadaing ang balitang pagpaparusa at pagpapakulong. Dali dali itong nagpunta. Kahit alam niyang natutulog pa ang Sultan ay pinuntahan niya at kinatok an gang tirahan ng pinuno.

Galit na Galit na nagising ang Sultan. Itinanong ng mayabang na pinuno kung sino siya. Sinabi ng kumakatok na magdadaing ang aswa ng mangingisda at naroon siya upang ipakiusap na pakawalan na ang ikinulong. Nagkibit balikat lang ang gahaman. Nang malaman ng Sultan na ekspertong magdadaing ang nagmamakaawa ay nakaisip ng paraan ang tuso. Lalo itong naggalit-galitan. Ipinatawag niya ang mga kawal at ipinakagat sa mga langgam ang kaawa awng magdadaing bago ito ipinakulong sa piitan. Kahit nakakulong ay natutuwa ang mag-asawa sapagkat sia ay muling nagkita. Upang maging produktibong alipin ng Sultan, ang bawat isdang mahuhuli ng mangingisda ay pinasusukaan agad sa magdadaing.

Bagamat maligaya ang mag-asawa na kahit mga alipin ay magkasama, sumasagi rin sa kanila ang kalungkutan kapag naaalala nila ang tagging anak na naiwan sa kailang tahanan.

Hindi alam ng mag-asawa na habang wala sila sa tirahan may mga ada naming nagbabantay sa kaisa-isa nilang mahal sa buahay na kahiy totoy na totoy pa sa kamusmusan ay marunong na ring manindigan.

"Saan po ba naroon ang tatay at nanay ko?"

"Nasa kaharian sila ni Sultan Barabas. Pinaparusahan sila at ipinakulong sa mga kasalang hindi nila dapat pagdusahan."

"Tulungan po ninyo ako. Gusto ko po sila makawala sa kulungan."

Nang makita ng ada na lumuluha ang kaisa -isang anak ng mangingisda at magdadaing ay naawa sila.Nang gabi ring iyon ay inilawan nila ang daan ng inosenteng bata papunta sa kaharian.

Ang mahimbing na pagtulog ng Sultan ay lubhang nagambala ng malakas na katok ng bata sa pintuan ng kaharian.

"Sino ka at ganitong oras ng gabi ay kumakatok ka sa palasyo ko?"

"Gutom na gutom na ako. Hihingi ako ng pagkain sa mesang kainan mo."

"At bakit sa akin ka hihingi ng pagkain mo?" nagaalborotong tanong ng Sultan.

"Pinasisid mo sa dagat ang ama kong mangingisda. Ang ina ko naman ay pinagdadaing mo. Sila ang dahilan kaya marangyang-marangya ang iyong mesang kainan."

"Lintik na bata ka!" nanginginig sag alit na sigaw ng Sultan." Ano ang karapatan mong himingi ng anuman sa aking mesa?"

"Hindi ikaw ang nagpagod upang mangisda atmagdaing. Mga magulang ko ang iyong inalipin. Sa anumang kanilang itinanim, sila lang ang dapat na may anihin.?"

"Aba napakaliit mong bata ka, akala mo kung sino ka. Hindi mo ba alam na Sultan akong dapat mong igalang?" nangangalog ang babang sigaw ng gahaman.

Napansin ng bata ang makinang na koronang naiwan ng Sultan sa higaan. Tinakbo niya ito at isinuot at nag-iinsultong nagwika, " Ang korona ay ipinapatong lang sa ulo ng lider na mabuti sa tao. Msama ka ipinakulong mo ang ama at ina ko. Ngayon ako naman ang habulin mo at ipakulong mo, "nangiinis na nagtatakbo sa loob ng palasyo ang bata.

Sa sobrang galit ng Sultan ay hinabol niya ng hinabol ang musmos.Hindi maabut abutan ang sukab ang inosenteng bata sapagkat inililipad ito ng mga ada. Nakarating ang habulan sa malawak na harding kinatataniman ng maraming punongkahoy. Sa sobrang pagod ay sumakit ang dibdib ng Sultan na ikinatumaba niya. Noon din ay namatay ang Sultang walang pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng katarungan.

Sa lugar na kinatumbahan inilibing ang Sultan.

Ang kamatayan ng ganid na dapat sana'y ipinagluksa ay ikinatuwa pa ng marami.

Ang humaliling Sultan ay kakaiba sa namatay. Tinitimbang niyang mabuti ang bawat paratang sa sinumang nagkakasala. Hindi rin siya padalos-dalos sa pagpapataw ng parusa. Sinisikap niyang magbigay ng isang makatarungang pagpapasya sa kaso ng sinumang nasasakupan niya mahirap man o mayaman. Para sa kanya ang lahat ay pantay-pantay sa napipiringang katarungan.

Sapagkat totoong makatarunagan, pinalaya at tinulungan ng bagong Sultang makapamuhay nang matiwasay ang mangingisda at magdadaing. Binigyan niya ng krapatan ang inosenteng bata na malayang makapupunta sa hardin upang mamitas ng anumang prutas na kanyang piliin. Ipinagdiwang ng lahat ang panunungkulan ng makatarungang Sultan.

Isang araw na naglilibot ng hardin ng palasyo ang bagong Sultan ay nakatawag ng pansin niya ang isang halamang tumubo sa pinaglibingan kay Barabas. Pinadiligan niya oito sa mga hardinero at pinaalagaan araw-araw.

Ilang taon din ang nakaraan at nagging malaking puno ang halaman. Nagtataka ang Sultan nang mamunga ang puno sapagkat mukha itong ulo ng tao na may korona at tuktok.

"Si Barabas yan!"sigaw ng mga tao. Nang tikman nila ang bunga ay nagulat sila.

"Pagkapait-pait! Kasimpait ng ugali ni Barabas!"

Ilang araw lang ng lumipas ay lumaki ang mga bunga ng berdeng prutas. Nang kagatin ng bata ay napangiwi sila.

"Pagkaasi-asim! Kasing asim ng mukha ni Barabas!"

Hindi nagtagal, ang mga berdeng bunga ay dumilaw at huminog na Napangiti ang lahat ng pitasin ang bunga at kagatin.

"Pagkatamis-tamis! Pagkasarap-sarap ng Barabas!"

Magmula noon, tinawag ng Barabas ang berdeng prutas na may nakapatong na korona. Minsang nanungkit ng berdeng prutas ang ilang paslit na bata at tanungin ng mga nakatatanda kung ano ang tawag sa nabanggit na bunga ay sabay-sabay silang nagsisagot na, "Barabas, Barabas, Bayabas!"

Diyan nagsimula ang alamat ng Bayabas.

Thursday, September 10, 2009

Alamat ng Tandang

Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.

Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.

May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.

Matutulis na sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.

Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at may respeto sa isa't isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-usap ang lahat at naggagalangan.

Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga barangay sa bayan-bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa, kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina. Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.

Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.

Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay dinadagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.

Tuwang-tuwa naman ang Sundalong Orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita, kunidi maraming alak na nagpapalasing sa kanya.

Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginising ng Sundalong Orasan sa madaling araw.

Nang matuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang Sundalong Orasan.

Lasing na lasing ang Sundalong Orasan nang humarap sa kanyang bathala.

"Ikaw ang dahilan sa madugong digmaang sana ay naiwasan."

"Pa...patawad po, Bathalang Sidapa."

"Pinagbibigyan na kita ng ulang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob. Ang mga lihim pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat. Ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahahalagahan. Bilang parusa , magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!"

Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay tumilaok itong parang nanggigising.

Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan ni Sidapa ang Sundalong Orasan na magmula noon ay tinatawag na Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.

Ito ang pinagmulan ng alamat ng Tandang.

Alamat ng Paro Paro

May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya'y mapula at kulobot. Ang mga mata'y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya'y pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad.

Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahag-hari.Ang looban ay natatamnan ng sari-saring halamanang namulmulaklak. Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig. Ang mga punong-kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng silahis ng araw.

Isang umaga, isang batang lalaki't isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan.Sila'y maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila'y nagging palaboy at walang tirahan. Sila'y nagpapasasa sa hirap upang may makain.

Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging naibubulalas nila ang salitang,"Ang lagit ay asul at ang bunkok ay lunti." Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis sila'y nakakpagsalita ng, Matigas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip." Ang mga nakikita nlang tanawin araw-araw ay sapat ng magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang panakip sa pangangailangan.

Sila'y naglibot at naakita ang bahay ng diwata." Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na iyon," sabi ng batang lalaki.

"Nakikita ko, Malakas," ang sagot. "May halamanan. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak. Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy," ang dugtong pa.

"Tayo na pumasok sa hardin,"ang alok ni Malakas.

"Walang tumitira rito," ang sagot ni Ligaya.

Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandaali, sila,y hintakot nguni't lumagay ang loob ng malaunan. Walang umiino sa kanila. Sila'y namupol ng mga bulakla. Si Malakas ay umakyat sa punong-kahoy. Nangain siya at pinatakaan si Ligaya ng maatamisna bunga.

"Walang nakatira rito!"

"Oo,noong ako'y bata pa, may isang mamamg nagkuwento sa akin tttttungkol sa lunang katulad nito. Huwag na tayong umaalis," Sabi ni Ligaya.

"Ako'y ulila ng lubos. Walang maghahanap sakin," Sabi ni Maalaakas,

"Gayon din ako," sagot ni Ligaya.

"Ako'y paalibot-libot upang humanap ng trabaho upag may makain. Huwag na nating lisanin ang loobang ito."

Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon.

Sa-darating ang diwatang galling sa dalampasigan. Siya'y hihingkod-hingkod. Siya'y langhap ng langhap pagka'tmay naaamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kapipisngot.

"Bakit kayo naaangahas pumasok dito?" ang bungad na tanong. "Ano ang ginagawa ninyo?" patuloy pa.

Natakot sina Malakas aat Ligaya. Sila'y nanginig sa takot.

"Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw ng matanda.

Naglakas loob na sumagot si Malakas, "Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming...gusto ang...mga prutas..."

"Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!"

"Inaamin po amin an gaming kasalanan. Kami po'y handing magbayad. Kami po'y mga ulila. Gawin po ninyo kaming alila! Handa kaming magsilbi!"

Pinagulong-gulong ng diwata ang kanyang mga mata.Piinakisay niya ang kanyang katawan, pinangiwi-ngiwi ang mga labi at nag-isip.

"Nauunawaan ko. Pakikinabbangan ko kayo."

Siya'y bumulong ng mga salitang maysa-engsekto at nammangha ang dalawang bata.Siya kapagkarakay ay nagging isang maganndang diwata. Sila'y may tangang mahiwagang baston na may nakakabit na bituin sa dulo.

Patakang nagsalita si Malakas, "Oh, magandang diwata!"

Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamaay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa liwanag. Nakita niya nang harapan aang diwata. Siya'y may taangang mga bagwis na yari sa bulaklak.

"Yayamang maawilihin kayo sa buulaklak, kayo'y gagawin kong haaaardinero. Mula ngayon mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at maaaari kayong magpapasasa sa aking mga bunga!"

Dinantayan ng diwata ng kaanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa isang iglap sila'y nagkapakpak. Sila'y nagpadapo-dapo sa mga halaman.

"Ako ngayo'y magandang paru-paro!" sabi ni Malakas.

"Ako rin!" sang-ayon Ligaya. "Masdan mo aking mga pakpak. Ittim,asul,lunti at kulay kahel!"

"Sa halamanang ito tayo mabubuhay ng mahabang panahon!" sabi ni Malakas, "sapagka't tayo ngayo'y mga paruparo ng diwata!"

Alamat ng Pagong

Nakakita nab a kayo ng pagong? Ito ay isang uri ng reptilyang nabubuhay sa mga pook na dalatan o katihan. Ang katawan nito ay nababalutan ng matigas na talukab na sa biglang-tingin ay tila munting plato 0 batingaw; may apat na paa, maikling buntot, mahabang leeg, at ulong sapad na lumabas-pumasok sa ilalim ng bao o pinakatalukab na nasa kanyang likod. Ayon sa paniniwala, nagiging malilimutin ang naglalarong pagong. Maaaring tama o mali ito, ngunit ang tiyak ay masarap ang atay at itlog nito, na kasing linamnam ng kanyang alamat.

Si Gat Urong-Sulong ay matanda na. Papalubog at patakip-silim na ang kanyang buhay, matapos niyang landasin ang rurok ng kaningningan. Laos na ang dating kilabot at pangunahing sandata ng Barangay Lumubog-Lumitaw.

Likas mandin na ang isang bagay ay mahalaga kung ito'y pinakikinabangan; ngunit kung lipas na at walang saysay, ano pa ang dahilan upang ito'y ingatan? At si Gat Urong-Sulong, na isa nang inutil, ay nalimutan na ng barangay na kay tagal niyang minahal at pinaglingkuran. Hindi marahil magkakagayon kung di maagang namayapa ang dating puno ng barangay na si Lakan Dupil. Nagmistula siyang palaboy ng tadhana na walang nais kumandili.

Isang maliwanag at napakaganda ng gabi, ang buong Barangay Lumubog-Lumitaw ay nagdiriwang. Ipinagbubunyi nila ang pag-iisang dibdib nina Lakan Alamid at Dayang Matampuhin. Tanging si Gat Urong-Sulong ang nagmumukmok sa kalungkutan. Ang babaing una at huli niyang minahal ay nagtaksil sa kanya at sumama kay Gat Alamid na ngayon ay bagong lakan ng barangay. Iyan palang lalaki, masugatan man ang puso at dibdib, ang lahat ay mababata at matitiis; ngunit kapag dangal niya ang siyang nagkadungis sasabog ang lupa, babagsak ang langit!

At tinungo ni Gat Urong-Sulong ang baybay-dagat. Matamlay na umupo sa ibabaw ng isang malapad na bato. Ang mga larawan ng nakalipas ay isa-isang nagdaan sa kanyang gunita, hanggang sa ang mga ito ay papanglabuin ng mga patak ng luha. Bigla siyang napabuntung-hininga nang madama ng sarili ang masaklap na kasalukuyan. At nabuo ang isangpasiyang mapait. Kung ang puso niya'y bigo at sawi sa pag-ibig, ang lunas ay kagyat na pananahimik...! Humahalakhak at bumubulong ang hangin at ang laot ng dagat ay kumakaway at nag-aanyaya ng kamatayan! "Patawarin mo ako Bathala...!" usal ni Gat Urong-Sulong, "Tanging ito lamang ang lunas!" At siya'y tumindig...lumakad! Kumalabusaw ang tinig... papalayo... papalayo... patungo sa laot ng karagatan! Subalit atas mandin ng tadhana, biglang umugong ang kapaligiran, yumanig ang lupa...! Lumindol...! "Ha-ha-ha...!" ani Gat Urong-Sulong, "Ilakas mo pa at nang mamamatay kaming lahat...!" Tinugon siya nang biglang pagkiwal ng tubig! Kamuntik na siyang bumaligtad nang siya'y bundulin ng isang nagsusumagsag na munting alon! At sa dako pa roon ng dagat ay nakita niya na gumugulong, ang nakasisindak at naglalakihang mga alon...patungo...patungo sa dako niya at sa Barangay Lumubog-Lumitaw!

Umalikabok at uilandang ang mga buhangin sa dalampasigan sa ginawang sagsag-takbo ni Gat Urong-Sulong! Parang ibininit ng palasong tinungo niya ang barangay...sa dakong kinalalagyan ng isang malaking gong. Sa nalalabi niyang lakas ay pinalo niya ang gong...sunod-sunod, hataw-tunog, pandalas...mabilis! Ang "Pag-gong" na iyon ang tanging lunas upang mapatalastasan ang lahat sa napipintong panganib.

Bawat lakbay-tunog ay umalingawngaw sa buong barangay; sinagap at ipinagsalin-salin ng mga tambuli sa lahat ang nakagigimbal nitong hatid-patalastas na nagbabayad ng "Madaling Paglikas sa Burol!" Ang "Pag-gong" ni Gat Urong-Sulong ay patuloy...at patuloy din ang paglikas sa burol ng libu-libong nilalang. Makalipas ang ilang saglit ay bahagi na ng karagatan ang buong barangay nang sakmalin ito ng mga rumaragasang dambuhalang alon! "Salamat kay Gat Urong-Sulong! Kung hindi sa kanyang "Pag-gong" ay wala sinumang makaliligtas sa atin!"

Humupa na ang baha at nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si Gat Urong-Sulong; nawawala rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa tinangay ng baha.

Nalutas ang paghahanap ng mga tao nang isang araw ay makapansin sila ng mahiwagang hayop sa lugar na dating kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-Sulong. Kataka-taka ang anyo ng hayop na iyon na ang talukab sa likod ay mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya ang Pandita ng barangay. "Ang mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating 'Pagong' mula ngayon, bilang pagkilala sa isang ulirang pagpapakasakit ng isang dakilang puso."

Alamat ng Matsing

Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan.

Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.

"Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!" ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng pangit sa palasyo.

Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa.

Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa ibaaa't ibang kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang mapangasawa ng ng prinsesa.

Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at ito'y si Prinsipe Algori.

Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya na napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran nito.

Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.

"Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang pinanggalingan mo!" ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa.

"Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa," ang agad na idinugtong nito sabay turo kay Prinsipe Algori.

Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na prinsipe.

"Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!" ang muling bulyaw ng prinsesa na tila nandidiri.

Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali," ang wika nito.

Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay Prinsipe Algori.

Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang "Diyos pala ng Kakisigan." Bumababa ang isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang "Diyos na Kakisigan," at tuluyan nang lumisan.

Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.

Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na lamang ang gulat ng lahat.

Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, "ang wika ni Prinsipe Algori.

"Anong ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ng prinsesa.

Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa't bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot.

Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe Algori, na siya palang "Diyos ng mga hayop sagubat." At si Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas.

Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil ang higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali.

Alamat ng Gagamba

Si Gamba ay isang manghahabi. Siya ang pinakamahusay sa lahat ng manghahabi sa kanilang komunidad.

Sapagkat alam niyang siya ang pinakamagaling, taas noo siya at walang sinumang pinapansin.<

"Ate, pahiramin mo naman ako ng karayom na pamburda mo. Pwede ba Ate?"

Galit na umangil si Gamba, "Lumayu-layo ka nga rito. Huwag mong mahiram-hiram ang pamburda ko. Baka masira lang ito, wala kang perang ipambayad dito. Layo!"

Napaiyak ang kapatid na babae ni Gamba. Naramdaman niyang hindi siya itinuturing na kapatid ng ate niya. Parang langit ang taas nito, napakahirap abutin.

Maya-maya, ang kapatid na lalaki naman ang lumapit kay Gamba.

"Ate, Ate tulungan mo naman ako. Pakisulsi mo namn ang napunit na kamiseta ko."

"Lumayo ka rito. Istorbo ka talaga. Doon ka sa Nanay magpasulsi. Walang ginagawa ang matandang iyan! Sige layo ka rito. Layo!"

Narinig ng ina ang mapagmataas na tinig ng anak. Nagpupuyos ang damdamin ng kahabag-habag na ina. Gusto sana niyang saktan si Gamba subalit nagpigil siya.

"Sumusobra ka na Gamba. Obligasyon mong pakitaan ng mabuting asal ang mga kapatid mo. Kung nanghihiram sila sa iyo, pahiramin mo. Kung humihingi sila ng tulong, tulungan mo. Hindi lang kapatid mo ang dapat pagpakitaan mo ng kagandahang-loob. Lahat ng nangangailangan ay dapat mong kalingain." Parang walang narinig si Gamba. Patuloy itong humabi ng tela mula sa mga sinulid na nasa ikitan niya.

Isang gabing inaaya si Gamba ng ina upang maghapunan, pagalit itong sumigaw, "Ano ba kayo. Iniistorbo na naman ninyo ako. Di ba ninyo nakikitang hindi pa ako tapos sa hinahabi ko?"

"Ba...baka magkasakit ka, iha, kung malilipasan ka sa pagkain."

"Wala kayong pakialam."

"Gamba," pagpigil ng mapagmahal na ina, "kasalanan sa Diyos ang pagtanggi mo sa pagkain."

"Ano bang kasa-kasalanan. Wala akong pakialam kung kasalanan man un. Inuulit ko. Pabayaan ninyo ako sa ginagawa ko!"

"Patawarin ka ni Bathala," luhaang sabi ng ina.

"Sana humabi ka na lang nang humabi," inis na hiling ng kapatid na babae ni Gamba.

"Oo nga humabi ka na lang nang humabi...humabi nang humabi," dugtong ng kapatid niyang lalaki.

Ang hiling ng magkapatid ay dininig ni Bathala. Sa isang makapangyarihang tinig ay narinig ng lahat ang galit Nito, Naging mapagmataas ka sa kaunting kaalamang bigay Ko sa iyo. Di mo kinakalinga ang mga kapatid na kailangang tulungan. Hindi mo rin binigyan ng puwang sa puso ang magulang mo! Pati na biyaya sa hapagkainang dulot Ko ay tinatalikuran mo. Bilang parusa, paghahabi na lang ang gagawin mo araw-araw, oras-oras, minu-minuto!"

Pagkasabi nito ay biglang nawalang parang bula si Gamba. Isang insektong paikut-ikot na humahabi ng sapot ang naiwan sa silyang kinauupuan ng dalaga.

Sa awa sa anak ay napahagulgol ang ina at marahang hinaplos nitoang insekto at tinawag na Gamba...Gamba.

Magmula noon si Gamba ay tinawag nang Gagamba na araw at gabi ay walang tigil sa paghabi hindi ng sinulid sa ikiran kundi ng sapot mula sa kanyang katawan.

Iyan ang pinagmulan ng alamat ng Gagamba.

Alamat ng Butiki

Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.

Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.

Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.

Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.

Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang makisig na binata.

Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.

Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si Helena.

Si Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kaya't agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.

"O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon," ang wika ni Aling Rosa sa anak.

"Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat," ang pagsisinungaling ni Juan.

Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita."

"Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig. Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko," ang pagsusumamo ni Juan.

"Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga palad!" ang matigas na wika ni Helena.

Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi

Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.

"Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina," ang umiiyak na wika ni Aling Rosa.

"Dios ko po, Inay! Patawarin n'yo ako!" ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.

Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.

Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit.

Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.

Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba't ibang uri ng kulisap at insekto, at naglaro sa paligid.

Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap.

Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon.

At haggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga engkanto.

Alamat ng Aso

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.

Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sakanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain.

Samantalang ang ina naman; si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sna Maria at Jose.

Minsan, nagulat ang pamilya sapagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya.

At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.

Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.

Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain.

Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa't isa.

At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar.

Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose.

"Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria.

"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose.

Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.

Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso.

Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol.

Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata.

Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.

Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.

Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.

"Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog.

Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.

"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon.

Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.

At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan.

At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo.

Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata.

Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak.

Kaya't maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda.

Alamat ng Bulkan Taal

Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.

Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.

Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak.

Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay.

Mayroon isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda:

"Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa."

"Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?"

"Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako'y namamangka," sagot ni Prinsesa Taal, na animo'y nahihintakutan.

"Ano! Dapat ay nagging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina n gaming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina."

"Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyan. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing na iyan gaya ng pagmamahal ko sa aking ina," sagot ni Prinsesa Taal na lumuluha.

Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.

"Anak, tumayo ka at huwak ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita sa narinig k mula sa iyo. Alam mo ban a ang singsing na iyan ay ibinilin pa sa aki8n ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi niya sa akin na ipagkaloob ko saiyo tanda ng kanyang pagmamahalat pag-alala sa iyo!"

"Tumahan na anak at ang pagkagalit ko'y kinalimutan ko na," paamong wika ng Datu.

Niyakap ng Datu si Taal, na halos mapaiyaksa sandaling iyon.

"Huwag ka ng mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisisrin ang nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo," paliwanag ng Datu.

"Salamat ng marami po, Ama ko," ako po'y nagagalak sa pang-unawa ninyo."

Ilang sandali pa ang lumipas. " Anak, hindi ba dapat ika'y mag-asawa na. Nasa tamang edad ka na para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama pag ako'y lumisan na," pakiusap ng Datu.

"Siya pong mangyayari Ama ko," Sagot ng Prinsesa.

Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saanmang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing ang nahulog sa sa Lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng ng mayuming prinsesa.Ang balitang ito ay agad kumalat saanmang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba't ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu myla sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneg mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Dau Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay upang maibalik ang singsing ng prinsesa.

Marami ang araw ang lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman.

Di kalaunan may isang Datu, ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalangin tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng laslaki at nagmula siya sa Nasugbo.

Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.

Habang sa pagsisisd ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan.Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginwa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang sinsing ng Prinsesa. "Isang himala ito!' laking tuwa ni Datu Mulawin. "Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?."

Kaya't ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari.Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay.Mayroon sayawan at kantahan.Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-aswa ay nasaksihan ng boung balangay ang magagandang pamamalakad ni Datu Mulawin at masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa.

Subali't ang pagsasama ay hindi lagi masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama.

Isang gabi, Maliwanag ang sikat ng buwan, namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.

Mayroon isang matandang nuno pala an gang nagmamay-ari ng Lawa ng Bunbon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo masayang pagsasama ni Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.

Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya naming kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.

Nang Makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at limubog. Bilis naman tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.

Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa tagaroon. Marami ang nagtangkang sisisrin ang dalawa upang Makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat.

Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala si Datu Mulawin at Prinsesa Taal.