Friday, February 1, 2013
Wednesday, November 30, 2011
Shocking Story
Isang girl ang sumakay ng taxi pauwi ng dorm.. It was almost midnight.. She was shocked when the driver changed their route .. that was not the right direction going to the dorm.. But after a few minutes the driver returned to their original route.. When they reached the dorm ..the driver leaved some advises before the girl went out the taxi.. 'neng, kung pwede pag'akyat mo sa kwarto mo hubarin mo agad damit mo at sunugin .. Iniba ko ang ruta natin para makaiwas sa aksidente.. kasi kanina nakita ko sa salamin .. WALA KANG ULO!!
16 Different Type of Boyfriends
1. JAMES BOND – mga klaseng boyfriend the chickboy, talagang mahilig sa babae. Ito yung klaseng boyfriend na parating nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanilang mga girlfriend. Madalas lumuwa ang mga mata niyan pag may sexing babaeng nakikita.
2. PASTOR ELY – mga boyfriend na hindi makabasag ng pinggan, kadalasang mababait at parang pastor na nangangaral sa mga tao. Madalas niyang pangaralan ang kanyang girlfriend tungkol sa mabubuting salita ng Panginoon. Very endangered ang mga Pastor Ely, kaunting-kaunti lang sila pero magaling humawak ng relasyon.
3. COMMANDER ROBOT – mga boyfriend na seloso, over protective, at paladikta sa kanyang girlfriend. Yung tipong ayaw niyang padapuin yung kanyang GF sa ibang tao. Palagi siyang nakabuntot at binabantayan ang bawat kilos ng kanyang GF. Madalas nasisira agad ang isang relasyon kapag ang lalaki ay Commander Robot.
4. BED-KING – mga boyfriend na kaya lamang gustong magka-girlfriend ay upang gawing pampalipas-oras. Mga boyfriend na masyadong ma-L. Palaging gustong matulog kasama ang kanyang GF. Sexually adventurous si bed-king at hindi ideal ng mga Maria-Clara style na babae.
5. CRISOSTOMO IBARRA – mga boyfriend na masyadong matatalino. Palaging pinaglalaban ang kanyang mga karapatan. Minsan ginagamit ang katalinuhan upang mang-akit ng girls. Palaban, madalas isinisingit ang kayang rights as BF. Kadalasan ito ang mga boyfriend na walang gaanong looks pero dinadaan sa utak ang pagsuyo sa babae. Masyado ring mapalabok ang kanyang sinasabi – yung tipong matalinhaga at para kang magkaka-nose bleed pang kinausap mo.
6. COCO-LOCO – mga lalaking kinababaliwan dahil gwapo, may looks, kaya nga loco. Yun nga lang medyo matu-turn-off ka dahil kung ano ang guwapo niya siya namang kawalan ng utak. Mga BF na sumusunod lang sa agos, walang alam sa buhay. Walang talino in short. Coco dahil parang empty coconut shell ang utak.Madalas ang GF ang sumasalo ng lahat ng problema kapag may problemang dumating sa kanilang relasyon.
7. UTO-UTO – from the word itself. Ito yung mga BF na madaling lokohin, bigay-kaya kahit na alam na niyang niloloko siya. Madalas mahiyain ang mga Uto-uto. Hindi makahindi sa mga girls. Kapag ikaw ang GF niya, madalas ka ring magka-migraine dahil kahit na pangaralan mo e tuloy-tuloy pa rin sa pagpapaloko.
8. MR. EASY-GO-LUCKY – mga BF na kaya lamang nabuhay sa mundo e para mag-bunjee jumping at kumain. Mga walang alam sa buhay, tamad, at sumusunod sa agos. May talino ang mga ito, unlike sa mga coco-loco, ngunit hindi ginagamit ng husto. Mabisyo rin ang ganitong type ng BF. Laging may hithit na sigarilyo, laging nasa inuman, laging nasa lakwatsahan. Kung ikaw ang GF, iniexpect niya lagi kang sasama sa kanyang mga gimmicks. Palatandaan ng mga ganitong BF: palaging kasama ang kanyang mga ka-tropa.
9. ECONOMISTA – mga BF na nakakaimbiyerna hindi dahil pangit ang ugali niya, kundi masyadong BARAT, KURIPOT, at WAIS. Ito yung tipo ng BF na kapag kakain kayo sa labas e sa karinderya ka ibabagsak, o sa tindahan ng kwek-kwek. Less romantic ang mga ganitong BF dahil kapag mag-de-date kayo e laging KKB as in KANYA-KANYANG BAYAD. Masinop sa pera, madalas siyang magbigay ng mga regalo na mabibili lang sa Divisoria, buy-one-take-one pa! Ito yung tipong BF na mas mahalaga pa ang pera kaysa sa kanyang GF.
10. ROADRUNNER - mga BF na bigay-kaya ngunit wais. Mabilis pagdating sa persistence. Ito yung BF na mabilis pa sa alas-kuwatro pag susunduin niya ang GF sa school man o sa trabaho. Bigay-kaya in a sense na madalas siyang may regalo sa kanyang GF, yung tipong nakatatak na sa utak niya kung kailan ang birthday mo, monthsary ninyo, birthday ng nanay mo, tatay mo, blah-blah. Pero may limitasyon din itong si Road runner dahil pag nag-break kayo, sisingilin niyang lahat ang mga naibigay niya sa iyo.
11. SALAWAHAN - very very very basic. Mga BF na mahilig sa girls, kung magka-girlfriend e dalawa. Minsan 3. Minsan 4. Mga traydor, palihim na sumisimple sa GF at naghahanap ng panibagong GF. Madalas pinagsasabay ng mga ganitong BF ang dalawa o higit pang relasyon. Madalas itong magbigay ng sakit ng ulo sa GF lalo na kung selosa ang una. Katulad siya ni James Bond, in short, pero ang Salawahan talagang lantaran sa panloloko sa kanyang GF. Ang mga James Bond naman, on the other hand, ay madalas ligaw-tingin lang sa makikita niyang sexy girls. Pero ang Salawahan, gagawin niya ang lahat para lamang mapasakanya ang mga babaeng nais niya.
12. MR. DREAMBOY - mga BF na masyadong sweet, caring, maalalahanin, thoughtful at parang tutang sunud-sunuran sa GF. Ito yung mga BF na under-de-saya. Sinasamba ang kanyang GF, in short. Ito yung mga BF na madalas tanungin ang kanyang GF kung kumain na ito, kung naiinitan ito, kung nalulungkot ito blah-blah. Pero kung ako ang GF, medyo maaasiwa ako sa mga Mr. Dreamboy dahil para itong tutang susunod-sunod sa iyo. Kulang na lang dilaan ang pwet mo kung tatantiyahin mo kung paano ka niya sambahin. Perfect na sana si Mr. Dreamboy, yun nga lang medyo nakakaasiwa.
13. RICHIE-RICH – ito yung mga BF na hambog, mayabang kasi nga mayaman-rich! Madalas maporma at laging new-wave. Kapag susunduin ang GF laging naka-wheels. Minsan Inglisero, minsan Pilipinong-Pilipino, minsan alien. Elite, maituturing siyang kabilang sa conyo sector. Yun nga lang maiimbiyerna ng kaunti ang GF dahil masyadong paistariray ang mga Richie-rich, gusto palaging bida. Kung mahal talaga ito ng GF, maaasar siya ng kaunti. Kung pera lang ang habol ng GF, wala lang sa kanya
14. MR. NICE GUY – mga BF na masyadong matindi ang sense of humor. Mga one-liner at joker kaya madalas sumakit ang tiyan ng GF dahil sa katatawa. Parang Easy-go-lucky, medyo nakikiagos lang sa sitwasyon. Minsan papansin din si Mr. Nice Guy pero hindi ka nga maaasar sa halip matatawa ka lang sa kanya.
15. PAPA BORI – opposite ng Mr. Nice guy. Mga BF na BULOK ang sense of humor. Madalas tahimik, borrrriiiiiing, at corny. Heto yung tipong BF na parang may sariling mundo, minsan parang may dinadaluhang lamay gabi-gabi kung tatantsahin mo ang kanyang pagiging boring. Masyado ring problematic si Papa Bori at mahirap pakisamahan. Madalas na rin siyang nabasted dahil sa kanyang ugali.
16. PAPA BORITO – parang Papa Bori, salat sa sense of humor, tahimik, boring, corny pero hindi problematic. Para lang siyang may sariling mundo. Pero madali siyang pakisamahan. Mahiyain, medyo madaling bolahin itong si Papa Borito kaysa kay Papa Bori na parang laging galit sa mundo. Madaling pakisamahan ang Papa Borito at kung ikaw ang GF, medyo pagtiisan mo ang pagiging tahimik niya.
- SO, ANONG KLASE SIYANG BOYFRIEND? OR ANONG KLASE KANG BOYFRIEND? ;))

pinoy movies
Green Paradise (2007) [PINOY] Full Movie
Nena Inosente
Alipin ng Tukso
LUPE (2003) Andrea Del Rosario / FULL MOVIE
Good Agent is A Bad Agent (Action,2013,USA) FULL MOVIE in English
Four Wariors (Action,2013,CHINA) FULL MOVIE with English subtitles
Kung Fu Killer - Full Action American movie with Spanish Subtitles
Loaded 2013
Hitman Absolution The Movie All Cutscenes Full Storyline
Hitman Contract Killer
Hitman 4: Blood Money"
"Batman Arkham City
Full Assassin's Creed 2
The Hobbit An Unexpected Journey
Proton Kinoun

Monday, November 28, 2011
Tula
Ano ang Tula?
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.
Mga Uri ng Tula:
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak.
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan
4. Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
Mga Halimbawa ng Tula:
Pagibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Twina'y Tulang Liwayway ni Dennis Capistrano
Pinatutula Ako ni Dr. Jose Rizal
Sa Kabataang Pilipino ni Dr. jose Rizal
Sa Mahal na Birhen Maria ni Dr. jose Rizal
Isang Alaala ng Aking Bayan Dr. jose Rizal
Ang Ligpit Kong Tahanan Dr. jose Rizal
Kundiman Dr. jose Rizal
Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg Dr. jose Rizal
Awit ng Manlalakbay Dr. jose Rizal
Sa Sanggol na si Jesus Dr. jose Rizal
Ang Awit ni Maria Clara Dr. jose Rizal
Huling PaalamDr. jose Rizal

- Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
- Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
- Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
- Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
- Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.
- Uri ng Tulang Liriko:
2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
- Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.
- Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.
- Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
- Uri ng Tulang Pasalaysay :
3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan
4. Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahan lang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.
Mga Halimbawa ng Tula:
Pagibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Twina'y Tulang Liwayway ni Dennis Capistrano
Pinatutula Ako ni Dr. Jose Rizal
Sa Kabataang Pilipino ni Dr. jose Rizal
Sa Mahal na Birhen Maria ni Dr. jose Rizal
Isang Alaala ng Aking Bayan Dr. jose Rizal
Ang Ligpit Kong Tahanan Dr. jose Rizal
Kundiman Dr. jose Rizal
Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg Dr. jose Rizal
Awit ng Manlalakbay Dr. jose Rizal
Sa Sanggol na si Jesus Dr. jose Rizal
Ang Awit ni Maria Clara Dr. jose Rizal
Huling PaalamDr. jose Rizal
Tanaga
Ano ang Tanaga?
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.
Mga Halimbawa ng Tanaga:
Alon
Mistula walang alat
kung humalik ang dagat
sa pampang. Kung yumakap
ay mahigpit, banayad.
Ulan
Nabilanggo sa ulap,
ang tubig ay lumayas
mulang kulungang bulak
ng langit. Nagsitakas!
Dagat
Sa bughaw nitong pusod,
naroon ang nalunod
na alaala. Sugod
sa lalim ng paglimot!
Buwan
Mata ng gabi, bakit
mo pa ba sinisilip
kaming nananaginip?
Di ka ba nangangawit?
Sulyap
Patunay ng pagtingin
ang iyong tingin: Bangin
ang matang mapang-angkin.
Mahulog nang palihim.
Bulong
Malumanay ang tawid
ng salitang sinambit
sa tenga. Iyong bibig:
bukal ng aking kilig.
Ambon
Dampi ng langit, haplos
ng tubig sa alabok
ng alaalang tuyot --
pinapawi ang kirot.
Alaala
Umaalon sa isip,
kahapong iniihip
ng simoy ng pagkapit.
Sakit, nanunumbalik.
Gayuma
Tahak ng tingin, tulak
ng sulyap, yakap, lapat
ng titig sa balikat,
hatak pa, kindat, hatak.
Dalisay
Pinong puso, sa isip
nagkikimkim: Ang nais
ay dungis. Hindi linis,
kundi putik sa kinis!
Wagas
Walang kaso ang piyok
sa harana, ang pusok
sa kanta. Mas marupok
ang puro: Nabubulok.
Unang Halik
Lumanay ng talulot:
Bukadkad ang pag-irog
na marahang humagod
sa labing di malimot.
Pusok
Kumpas ng kilig, kabig
ng bibig ang manalig,
ligalig. Sa gilagid,
ang dila, kumakahig.

Kantahing Bayan
Ano ng Kantahing Bayan?
Mula sa karunungang Bayan ay sumilang ang mga kantahing bayan na inaawit ng ating mga ninuno sa saliw ng mga makalumang instrumento. Ang mga ito ay nagpapahayag ng damdamin, pamumuhay, karanasan, pananampalataya, kaugalian at hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang lugar.
Mga Halimbawa ng Kantahing Bayan:

- Soliranin (rowing songs)
- Talindaw (boat songs)
- Diona (nuptial or courtship songs)
- Oyayi o Uyayi (lullaby)
- Dalit (hymns)
- Kumintang (war or battle songs)
- Sambotani (victory songs)
- Kundiman (love songs)
Friday, November 25, 2011
Bugtong
Ano ang Bugtong?
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
Mga Halimbawa ng Bugtong:

- Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan - Bugtong :Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
Sagot : Pako - Bugtong :Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot : Atis - Bugtong :Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona
Sagot : Bayabas - Bugtong :Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot : Saging - Bugtong :Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot : Kasoy - Bugtong :May langit, may lupa, May tubig, walang isda.
Sagot : Niyog - Bugtong: Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Sagot : Alkansiya - Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot : Anino - Bugtong: Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari - Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig - Bugtong: Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.
Sagot: Bituin
Epiko
Ano ang Epiko?
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.
Katangiang Pampanitikan:
Ang mga epiko ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluranin na epiko.
Ang ilang katangian ng ibang epiko ay:
Kahalagahan sa kultura
Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang kultura?
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipapakita ng epiko ang kultura ng isang grupo ng tao.

- ang paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
- mga inuulit na salita o parirala
- mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
- kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp).
- kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.
Kahalagahan sa kultura
Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang kultura?
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipapakita ng epiko ang kultura ng isang grupo ng tao.
- Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema
- katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
- mga supernatural na gawa ng bayani
- pag-ibig at romansa
- panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay
- kamatayan at pagkabuhay
- pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
- kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging
- mga ritwal at kaugalian
- ugnayan ng magkakapamilya
Awit at Korido
Ano ang Korido?
Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, na nakuha natin mula sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat taludtod at may apat na taludtod sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
Awit (sadyang para awitin) Korido (sadyang para basahin)
1.Sukat ng Awit: tig-12 pantig ang bawat taludtod / Sukat ng Korido: tig-8 pantig ang bawat taludtod
2.Himig ng Awit: mabagal, banayad o andante kung tawagin / Himig ng Korido: mabilis o allegro.
3.Pagkamakatotohanan ng Awit: ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaring maganap sa tunay na buhay/ Pagkamatotohanan ng Korido: ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay di maaring maganap sa tunay na buhay.
Halimbawa ng Korido:

- Ibong Adarna
- Prinsipe Orentis ni Jose Dela Cruz
- Rodrigo de Villa ni Jose dela Cruz
- DoƱa Ines ni Ananias Zorilla
- Don Juan TiƱoso at Ang Haring Patay
- Florante at Laura ni Francisco Balagtas
- Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona
- Doce Pares na kaharian ng Francia ni Jose Dela Cruz
- Salita at Buhay ni Mariang Alimango
- Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana
Kasabihan
Ano ang Kasabihan?
Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ito ay ipinasa sa atin ng ating mga ninuno, ang kasabihan ay nagbibigay ng paalala at mabutiing aral sa atin.
Ano ang kaibahan ng salawikain at kasabihan?
Ang kasabihan ay mga aral sa buhay na isinusulat sa paraang ginagamit sa pang araw araw na usapan. Ang salawikain ay katumbas din ng kasabihan subalit isinusulat ito sa paraang patula o poetic.
Marami tayong kasabihan sa buhay. ito'y mapa-tungkol sa pamilya, pera, negosyo, pag-ibig, at kung saan-saan pa. ang anyo nito ay pwedeng derechong kasabihan, o tipong pag-iisipin ka o magsasaliksik kung anong ibig sabihin. siguro sa lahat ng mga kasabihan sa talambuhay natin, iisa lang ang laging hindi binibigyang pansin o kaya'y binabale wala nalang. at ito ay:
Ngayon ay marami ng bagong kasabihan na nagbibigay aral sa ating mga kabataan. Narito ang mga halimbawa ng makabagong kasabihan.

"kung wala kang sasabihing maganda tungkol sa (ugali, anyo, pagkilos, paraan, pag-iisip) ng iyong (ka-pamilya, kapitbahay, kamag-anak, ka-trabaho, kaibigan), ay manahimik ka nalang."
Ngayon ay marami ng bagong kasabihan na nagbibigay aral sa ating mga kabataan. Narito ang mga halimbawa ng makabagong kasabihan.
- Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.
- Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
- Ang pagsintang labis na makapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang
- lahat masunod ka lamang.
- Walang matimtimang birhen, sa matiyagang manalangin.
- Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
- Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
- Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na pabulyaw.
- Ang magtahi-tahi ng hindi tutoong kuwento, mabubuko rin sa bandang dulo.
- Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.
- Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
- Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang
- Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang pabalat.
- Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan.
- Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaban.
- Titingkad ang iyong kagandahan, kung maganda rin ang iyong kalooban.
Thursday, November 24, 2011
Sawikain
Ano ang Sawikain?
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.
Mga Halimbawa Ng Iba't ibang Sawikain:
ahas----taksil --- traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.
anak-dalita ---mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
alilang-kanin --- utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
balitang-kutsero -- balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.
balik-harap --- mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.
Bantay-salakay --- taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
basa ang papel --- bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.
buwaya sa katihan --- ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
bukal sa loob --- taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.
busilak ang puso ---malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.
di madapuang langaw---maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.
di makabasag-pinggan---mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.
hampaslupa---lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.
haligi ng tahanan---ama ilaw na tahanan---ina
Halimbawa:
Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.
isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.
itaga sa bato---tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
itim na tupa---masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.
kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.
kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.
kapit-tuko---mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.
kidlat sa bilis---napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.
kilos-pagong---makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.
luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis
Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.
(Ang "bana" ay salitang Cebuano na ginagamit na ngayon sa Wikang Filipino na ibig sabihin ay "mister o asawang lalaki")
Mahangin ang ulo----mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.
matalas ang ulo---matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.
mahina ang loob---duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.
malakas ang loob---matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.
makapal ang bulsa---mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.
makapal ang palad---masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.
magdilang-anghel---magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.
pagputi ng uwak---walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.
pagiisang dibdib---kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila t Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.
pusong-bakal---hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?
tinik sa lalamunan---hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.
tulak ng bibig---salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.
bungang-tulog---panaginip
maamong kordero---mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.
butas ang bulsa---walang pera
mababaw ang luha---iyakin
Halimbawa:
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.
kabiyak ng dibdib---asawa
mabigat ang dugo---di-makagiliwan
Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.
maaliwalas ang mukha---masayahin,taong palangiti
maitim ang budhi---tuso, masama ang ugali
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.
mahabang dulang---kasalan
malikot ang kamay---kumukuha ng hindi kanya kawatan
Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.
namamangka sa dalawang ilog---salawahan
makitid ang isip---mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman
Halimbawa:
Mahirap makipagtalo sa taong makitid ang isip. Walang mararating ang anumang katwiran mo.
nagbibilang ng poste---walang trabaho
malawak ang isip---madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.
nakahiga sa salapi---mayaman
mapurol ang utak---bobo
Halimbawa:
Talaga yatang mapurol ang itak ng aking pamangkin. Natapos niya ang elementarya sa loob ng siyam na taon.
nagmumurang kamatis---matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga
masama ang loob---nagdaramdam
Halimbawa:
Halatang masama ang loon ni Miss Gan dahil hindi siya nasali sa mga nabigyan ng parangal.
naniningalang-pugad---nanliligaw
matalas ang tainga---madaling makarinig o makaulinig
Halimbawa:
Matalas ng tainga ng aking ama kahit na siya ay 93 taong gulang na.
sira ang tuktok---gago, luko-luko
Halimbawa:
Sira ng tuk-tok ng taong iyon, kanina pa sayaw nang sayaw sa tabi ng daan.
takaw-tulog---mahilig matulog
Halimbawa:
Paano kang aasenso sa trabaho mo gwardiya kung ganyang lagi kang takaw-tulog?

Salawikain
Ano ang Salawikain?
Ang Salawikain o kasabihan ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. nagtataglay ng mga pangaral at karunungan sa pamamagitan ng mga salitang may tugma at sukat. Ito ay ginagamit noong sinauna, maging sa kasalukuyang panahon upang magpayo, gumabay at magturo ng mabubuting asal.
Paggamit:
Nilalarawan din ang mga salawikain bilang mga palamuti sa wika, mga pananalita ng mga ninunong naisalin ng isang salinlahi sa pangkasulukuyang mamamayan, at bilang karunungang natutunan mula sa karanasan, na nakapagsasaad ng damdamin, paglalahad, o opinyon. Bukod pa rito, nagagamit din ang mga salawikain para hindi masaktan ang damdamin ng ibang mga tao. Isang halimbawa nito ang katagang: "Bato-bato sa langit, pag tinamaan huwag magagalit." Sa pamamagitan ng pagsipi ng tama at napapanahong salawikain, maaaring ilahad ng isang tao ang awa, paglalagay niya ng sarili sa katauhan ng ibang tao.
Narito ang ilan sa halimbawa ng mga salawikain at ilan na may paliwanag.
Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.
Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.
Salawikain: Pag maliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.
Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.
Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa iyong biyenan.
Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.
Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.
Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.
Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.

- Puri sa harap, sa likod paglibak
- Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron
- Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
- Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
- Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
- Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
- Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
- Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
- Ang taong tamad, kadalasa'y salat
- Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
- May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
- Sagana sa puri, dukha sa sarili
- Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
- Ang magandang asal ay kaban ng yaman
- Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
- Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
- Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
- Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
- Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
- Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
- Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
- Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim
- Buhay-alamang, paglukso ay patay
- Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
- Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
- Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
- Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
- Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili
- Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
- Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis
- Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
- Ang lakas ay daig ng paraan
- Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe
- Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran
- Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
- Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang
- Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
- Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
- Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
- Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan
- Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan
- Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot
- Pag may hirap, may ginhawa
- Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha
- Pag may kalungkutan, may kasiyahan
- Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang
- Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag
- Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
- Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit.
- Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
- Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
- Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
- Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
- Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
- Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
- Pag di ukol, ay di bubukol.
- Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
- Daig ng maagap ang taong masipag.
- Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain.
- Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Kwentong Bayan
Ano ang Kwentong Bayan?
Ang kuwentong-bayan(folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.
Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at kadalasa'y ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng aral. At ang kadalasang paksa ay mga bagay na nakapaninindig-balahibo tulad ng tungkol sa mga aswang, maligno, kapre, mga sirena at nuno sa punso.
Mga Halimbawa ng Kwentong Bayan:
Si Malakas Si Maganda at ang Pagdami ng Tao
Gintong Bata sa Puting Kalabasa
Saan Nanggaling Ang Unang Matsing
Ang Pinagmulan ng Daigdig
Si Lalaki at Si Babae
Kung Paano Nilikha Ang Daigdig
Ang Sibulan sa Bundok Apo
Ang Mga Anak ni Limocon
Nilikha ni Luwawig Ang Mga tao
Naging Bituin si Magbangal
Alamat ni Aliguyon
Ibalon: Panahon ng talong Bayani sa Bicol
Ang Kataksilan ni Sinogo
Bakit Tumataas Ang Dagat Kapag Bilog Ang Buwan
Biyaya ni Kadaklan sa Mga Tao
Ang Ulirang Anak, 7 Mandirigma at Ang Dambuhala
Ang Unang Puno ng Niyog
Si Mangita Si Larina sa Lawa ng Bai
Ang Hiwaga ni Maria Makiling
Si Alelu'k at Si Alebu'tud
Ang Masipag at Ang Ingit
Isang Asawa, Dalawang Babae at Ang Mangkukulam
Baha: Ang Paglunod Sa Daigdig

Balita
Ano ang Balita?
Ang balita ay katulad ng isang kwentong talambuhay na naglalarawan sa ating kalagayan, ito ay maaring maisulat sa mga pahagayan o kaya ay mapapanood sa telebisyon at mapakikinggan naman ito sa radyo.
Balitang Panlokal - tumatalakay sa mahahlagang pangyayaring naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa.
Balitang Pambansa - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa
Balitang Pandaigdig - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba't ibang bansa sa daigdig
Bahagi ng balita:

- Pang-edukasyon
- Pampulitika
- Pampalakasan
- Pantahanan
- Pangkabuhayan
- Panlibangan
- Pangkapaligiran
Wednesday, November 23, 2011
Talumpati:Wikang Pambansa
Wikang Pambansa
mula kay Manuel L. Quezon
Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito’y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako’y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba’t-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.

Kabataan:Isang Pagtatanong
Kabataan:Isang Pagtatanong
ni C.C Marquez, Jr.
Ako, ikaw…kayo…sila…tayong mga kabataan,
Saan natin ihahatid itong ating inang batan?
Sa altar ba ng pag-asa o sa bibig ng kabiguan
Sa paanan ba ng langit o bunganga ng libingan?
Dapat tayong manghilakbot…dapat tayong kilabutan
Sa lahat ng pangyayaring nagaganap ng hayagan…
Unti-unting naglalaho nang di natin nalalaman
Ang sariling tatak natin bilang Perlas ng Silangan;
Kilos natin at damdamin…ang kultura’t kabuhayan,
Dahan-dahang nalalagom ng masakim na dayuhan!
Nanaisin pa ba natin ang magbalik ang panahon
Ng nabaon na sa limot na duguang mga taon…?
Noong tayong mga kabataan ay may pusong nag-aapoy
At wala ng hinahangad kundi gulo’t rebolusyon?
Sa kumpas ng paarala’y nais pa ba natin ngayong
Maglagay ng barikada’t magdaos ng demonstrasyon?
Di ba’t dahas ay sa dahas sumugpong na lubos noon
Upang ganap na sikangan ang sa baya’y nagsusulsol?
Kabataan…kabataan…ako nayo’y nagtatanong:
Saan natin ihahatid itong ating henerasyon?
Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa,
Ang sariling tatak nati’t kakanyahan ay mawala?
Sa kultura ng dayuhang dito ngayo’y bumabaha,
Ang sariling kalinanga’y lulunurin na rin kaya?
Ang malagim na kahapong dugo’t luha ang napunla
Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya?
Ang aral ni Dr.Rizal na tayo’y pag-asa nga,
Bakit ngayo’y aral pa ring matupad ni bahagya?
Sa paningin ng daigdig, dapat tayong mangahiya-
Pilipinong naturingan ay dayuhan ang kamukha!
Ikaw kaya’y isang bulag at hindi mo nakikita
Ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura?
Sa harap ng telebisyon panatag kang nakatawa
At ni hindi ka mapaknit kung dayuhan ang programa
Ang likas mong panooring makulay na zarzuela,
Ngayo’y nagging video tapes at Betamax sa tuwina
Ang tamis ng tulain mo at kundimng pangharana,
Pinalitan mo ng disco, ng swing, ng rock, boogie;
Dumilat ka, kabataan…ang lahi mo’y nakukuha
Ng dayuhang sa bansa mo’y nagpapanggap na turista!
Ang agwat ng talastasan ng magulang at anak,
Hindi mo ba napapansing kaylawak ng isang agwat?
Dumaraan ang maghapo’t lumilipas ang magdamag,
Ni putol mang dayalogo’y hindi kayo nakabigkas;
Kahit isang problema mo…sa kanila’y di naungkat,
Kaya ito’y nananatiling suliraning hindi malutas…
Papaano, tayong bunso’y sa lansangan nagpupuyat
Sila namang ama at ina’y sa Gawain nagbababad;
Ah! Sa aba ng Maykapal… kapag ito’y di nagwakas,
Wawasakin ang pamilya’t ang bansa mo’y malalansag.
Ikaw, ako…kayo, sila… dapat tayong mangag-isip,
Itong ating Inang Baya’y saan natin ihahatid?
Sa altar ba ng pag-asa o libingang sakdal lamig?
Sakuko ng kabiguan o tagumpay na marukit?
Tayong mga kabataan ang pag-asa ng daigdig,
Sa magulang at ninuno’y tayong lahat ang magpapalit
Ang kultura’t kabuhayan ay linanging buong higpit
Upang tayo’y makalaya sa dayuhang mapanggipit;
Isang bansa… Isang diwa ang sati’y bumibigkis,
Tayo’y mga kabataan… Pilipino bawat saglit!

Talumpati: I Am A Filipino
I Am A Filipino
by Carlos P. Romulo,
former Secretary-General of the United Nations
I am a Filipino – inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task- the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future. I sprung from a hardy race – child of many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries, the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope- hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.
This is the land they sought and found. Every inch of shore that their eyes first set upon, every hill and mountain that beckoned to them with a green and purple invitation, every mile of rolling plain that their view encompassed, every river and lake that promise a plentiful living and the fruitfulness of commerce, is a hallowed spot to me.
By the strength of their hearts and hands, by every right of law, human and divine, this land and all the appurtenances thereof – the black and fertile soil, the seas and lakes and rivers teeming with fish, the forests with their inexhaustible wealth in wild life and timber, the mountains with their bowels swollen with minerals – the whole of this rich and happy land has been, for centuries without number, the land of my fathers. This land I received in trust from them and in trust will pass it to my children, and so on until the world is no more.
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes – seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the alien foe that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.
That seed is immortal. It is the self-same seed that flowered in the heart of Jose Rizal that morning in Bagumbayan when a volley of shots put an end to all that was mortal of him and made his spirit deathless forever; the same that flowered in the hearts of Bonifacio in Balintawak, of Gergorio del Pilar at Tirad Pass, of Antonio Luna at Calumpit; that bloomed in flowers of frustration in the sad heart of Emilio Aguinaldo at Palanan, and yet burst fourth royally again in the proud heart of Manuel L. Quezon when he stood at last on the threshold of ancient MalacaƱang Palace, in the symbolic act of possession and racial vindication.
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insigne of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.
I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of the East, an eager participant in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shape of the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
For, I, too, am of the West, and the vigorous peoples of the West have destroyed forever the peace and quiet that once were ours. I can no longer live, being apart from those whose world now trembles to the roar of bomb and cannon shot. For no man and no nation is an island, but a part of the main, there is no longer any East and West – only individuals and nations making those momentous choices that are hinges upon which history resolves.
At the vanguard of progress in this part of the world I stand – a forlorn figure in the eyes of some, but not one defeated and lost. For through the thick, interlacing branches of habit and custom above me I have seen the light of the sun, and I know that it is good. I have seen the light of justice and equality and freedom and my heart has been lifted by the vision of democracy, and I shall not rest until my land and my people shall have been blessed by these, beyond the power of any man or nation to subvert or destroy.
I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when they first saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad pass, of the voices of my people when they sing:
Land of the Morning,Child of the sun returning…Ne’er shall invaders, trample thy sacred shore.
Out of the lush green of these seven thousand isles, out of the heartstrings of sixteen million* people all vibrating to one song, I shall weave the mighty fabric of my pledge. Out of the songs of the farmers at sunrise when they go to labor in the fields; out of the sweat of the hard-bitten pioneers in Mal-ig and Koronadal; out of the silent endurance of stevedores at the piers and the ominous grumbling of peasants in Pampanga; out of the first cries of babies newly born and the lullabies that mothers sing; out of the crashing of gears and the whine of turbines in the factories; out of the crunch of ploughs upturning the earth; out of the limitless patience of teachers in the classrooms and doctors in the clinics; out of the tramp of soldiers marching, I shall make the pattern of my pledge:
“I am a Filipino born of freedom and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance – for myself and my children’s children – forever.

Talumpati:Ang Kabataan Noon at Ngayon
Ang kabataan noon at ngayonay may maliit lamang na puwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di-tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang- loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.
Kaiba naman ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon.
Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin a buhay. Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taun-taon? Sila ang saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.

Subscribe to:
Posts (Atom)