Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
Mga Halimbawa ng Bugtong:
- Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan - Bugtong :Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
Sagot : Pako - Bugtong :Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot : Atis - Bugtong :Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona
Sagot : Bayabas - Bugtong :Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot : Saging - Bugtong :Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot : Kasoy - Bugtong :May langit, may lupa, May tubig, walang isda.
Sagot : Niyog - Bugtong: Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob.
Sagot : Alkansiya - Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot : Anino - Bugtong: Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari - Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig - Bugtong: Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.
Sagot: Bituin
No comments:
Post a Comment